Kylie Padilla dinaan sa tula ang mensahe sa anak na sina Alas at Axl

Leo Bukas

MAY GINAWANG tula si Kylie Padilla para sa kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Ipinost ni Kylie ang madamdaming tula sa kanyang  YouTube channel noong Dec. 30, 2021 o dalawang araw bago ang pagsalubong sa taong 2022.

Ayon sa aktres, alam niyang darating talaga ang panahon na magtatanong sina Alas at Axl tungkol sa mga nangyari sa kanila ng ex-husband niyang si Aljur Abrenica na ama rin ng dalawang bata kaya inihahanda na raw niya ang sarili para dito.

Kylie Padilla dinaan sa tula ang mensahe sa anak na sina Alas at Axl
Kylie Padilla with kids

Ang ginawang tula ni Kylie ay may pamagat na “A Poem for my Boys.”

Narito ang nilalaman ng naturang tula:

“I want you to know, my sweetheart, mama is not perfect but mama will try her best.

“It’s when you’re at your lowest, when you’re tired, when you’re aching, and you feel kind of lost. You find your compass and you hold on to it.

“You are my guiding light, my ray of hope in dark places. You are love, my love. One I’ll never let go of. I’ll try to always keep you safe and not let any moment go to waste.

“Mama is not perfect but you love me still. You heal me in every moment, and I’ll do my best to deserve it…

“Whatever road that brought us here, I’ll walk tall and strong for you. I love you both. I always will.”

Bumuhos naman ang suporta ng netizens sa ginawa ni Kylie at nangakong susuportahan nila ito. Patuloy din daw silang aasa na sana ay magkabalikan pa sina Kylie at Aljur.

Matatandaang ikinasal ang dalawa  noong 2018 at naghiwalay naman last year, July, 2021. Pinag-usapan sa showbiz ang naging paghihiwalay nina Kylie at Aljur. Nag-post pa noon ang aktor kung saan hinamon niya si Kylie na sabihin kung sino ang unang nagtaksil sa kanilang dalawa na makalipas ang ilang araw ay dinilete din naman ni Aljur.

Nadawit din ang pangalan ng sexy star na si AJ Raval sa hiwalayan ng dalawa na naakusahan pa ngang “third party.”

Sa kasalukuyan ay wala nang update kung magkarelasyon ngayon sina AJ at Aljur. Sa huli kasing interview ng PUSH kay AJ ay sinabi nito na pagtutuunan niya ngayong 2022 ang “self love.”

Bagamat nagkahiwalay, inamin naman ni Kylie na naayos nila ang co-parenting issue sa kanila ni Aljur. Ibig sabihin, magkatuwang pa rin sila sa pagpapalaki sa kanilang dalawang anak na naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon.

Previous articleKPOP Album Review: Attacca by Seventeen
Next articleJulius Babao nagpaalam na rin sa ABS-CBN