Kylie Padilla, ‘di pa kayang ipagpalit ang showbiz sa pag-ibig

ADVERTISING

Kylie Padilla, ‘di pa kayang ipagpalit ang showbiz sa pag-ibig

Kylie-PadillaNAMI-MISS NA ni Kylie Padilla ang kanyang mga kapatid sa Australia, pero wala naman siyang choice dahil kahilangan niyang magtrabaho dito sa ‘Pinas. Sinisiguro na lang niya na kahit at least twice a year ay magkita-kita sila.

ADVERTISING

“Alam mo ‘yon, hindi ko masyadong naipapakita ko ‘yung pagiging kapatid ko, kasi nagsi-showbiz ako. Gusto kong magtrabaho at isa ‘yon sa mga realities ng buhay na kailangan kong tanggapin,” sey ni Kylie na bida sa bagong serye ng GMA-7 na Buena Familia.

Hindi raw niya binibilhan ng kung anu-ano ang kanyang mga nakababatang kapatid dahil hindi raw sila pinalaking materialistic ng kanilang parents.

“Ang hinihingi lang talaga is time. Nagagalit sila ‘pag matagal na akong hindi pumupunta sa bahay ni Papa (Robin Padilla) para makita sila. Do’n lang sila nagagalit,” sey ulit niya.

ADVERTISING

Bilib naman si Kylie sa kapatid na si Queenie dahil nagawa nitong iwanan ang showbiz nu’ng makahanap ng tunay na pag-ibig.

“Kasi siya, mahal na mahal din niya ang pag-arte pero iniwan niya dahil pinili niya ‘yung ano… kung saan siya masaya talaga. At hindi ko pa kayang gawin ang ganu’n sa ngayon kasi love ko pa talaga ang pag-arte,” paliwanag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING