Kylie Padilla, ‘di maitago ang pagkagusto kay Rayver Cruz

ADVERTISING

Kylie Padilla, ‘di maitago ang pagkagusto kay Rayver Cruz

Kylie-Padilla-Rayver-CruzHALATANG VERY comfortable na sa isa’t isa sina Rayver Cruz at Kylie Padilla na pareong bida sa pelikulang Dilim ng Regal Films na ipalalabas sa Oct. 22. Malalim na kaagad ang kanilang pagtitinginan kahit pa sabihing ang relasyon nila ay nag-ugat lang sa “dilim”.
Hindi maiwasan ni Kylie ang kiligin tuwing kasama niya si Rayver. Aminado ang dalaga na gusto niya ang pagkatao ng aktor, pero hindi pa raw siya handang magmahal ulit. Ganu’n ba kalalim ang sugat na nilikha ni Aljur Abrenica sa puso niya?
Kahit tapos na ang shooting at showing ng pelikula, balak ni Rayver na makipag-communicate pa rin kay Kylie. “Ayoko na after ipalabas ng Dilim ay tapos na rin ‘yung pagkakaibigan namin. Gusto ko pa siyang makilala nang husto,” katuiwiran pa ng aktor.
Bongga si Rayver dahil naikuwento ni Kylie na boto sa kanya ang tatay nitong si Robin Padilla. Nababaitan daw si Binoe kay Rayver na siyempre, ikinatuwa naman ng huli.
‘Nga pala, first movie ni Kylie ang Dilim kaya tuwang-tuwa siya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde. And take note, may follow-up movie na agad si Kylie, ang Chinoy, pero hindi pa sure kung si Rayver din ang makatatambal niya rito.
Ang Dilim ay pre-holloween presentation ng Regal at kasasma rin dito sina Rafael Rosell, Joross Gamboa, Manny Castañeda at marami pang iba. Ito ay sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING