Kylie Padilla, dedma sa mga nagbabalak manligaw

Kylie Padilla, dedma sa mga nagbabalak manligaw

Kylie-PadillaSTAR-STUDDED ANG Kapuso Grand Fans Day na gaganapin sa SM-MOA Arena sa Linggo.

Pati nga sa amin sa Startalk, pinapasali rin du’n, pero siyempre wala naman silang mapapakinabangan sa akin kaya waley na ako join du’n.

Alam ko si Heart Evangelista at Butch Francisco ang representative ng Startalk kaya gow na kayo sa SM MOA Arena para makisaya sa fans day na ‘yun. Bilang pasasalamat na ito ng GMA 7 sa loob ng 65 years na suportang ibinibigay ng mga fans sa Kapuso network.

Ilan sa magpapasaya roon sa fans day ay ang cast ng bagong drama series sa afternoon drama ng GMA 7 na Buena Familia. Pangungunahan ito ni Kylie Padilla na lalong gumaganda ngayon.

Ang dami nga raw ang balak na ligawan siya, pero dedma lang ngayon si Kylie.

Ayaw raw kasi ng dalaga ni Robin Padilla na ma-in love na muna ngayon dahil mas gusto niyang mag-focus sa trabaho. Inspired daw siya rito sa Buena Familia dahil parang nakaka-relate daw siya sa kuwento nito.

Sa Martes na pala magsisimula itong Buena Familia pagkatapos ng The Half Sisters.

Hindi kasi puwede sa Lunes dahil sa SONA.

Abangan n’yo na lang! ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis