Kylie Padilla balik-primetime sa ‘Bolera’

SA WAKAS ay magbabalik-primetime na si Kylie Padilla ngayong Lunes, May 30, sa pamamagitan ng sports-oriented series na ‘Bolera‘.

Ilang taon din hinintay ng mga loyal fans ni Kylie ang kanyang pagbabalik sa telebisyon. Matatandaan na dumami ang fans ni Kylie nang gampanan niya ang iconic role na Reyna Amihan sa ‘Encantadia’ noong 2016, kung saan nagkaroon din ng fanbase ang ‘accidental’ tandem nila ni Ruru Madrid. Dahil dito, nasundan ng isang romance-comedy series na ‘TODA One I Love’ ang kanilang tambalan noong 2018.

Kylie Padilla balik-primetime sa 'Bolera'
Kylie Padilla

Sa pangalawang panganganak ni Kylie at sa dami ng mga pinagdaanan nito sa kanyang personal life ay nakaantabay pa rin ang mga tunay na nagmamahal sa kanya. For the mean time ay lumabas muna ito sa girl love digital series na ‘BetCin’ noong nakaraang taon kung saan kapares niya si Andrea Torres. Lumabas din ito sa Regal Studio Presents kasama si Ruru Madrid noong Enero.

Ngayon ay talagang handa na si Kylie sa kanyang teleserye comeback at siya ang bida sa ‘Bolera’. Gagampanan niya ang papel na Joni, isang billiard prodigy na may kakaibang galing at talento sa pagbi-bilyar.

“I’m so happy na ito yung naging comeback show ko kahit hindi ako marunong mag-billiards. Nung sinabi sa akin na kaliwete si Joni, I took the challenge, I said okay, let’s go, let’s try. Mahirap siya nung una kasi I’m a right-handed person. I took everything into account, I trusted na kaya natin ‘to. Nung pinapanood ko naman ang ganda! Thank you everyone for helping me to get the character right, to get the form right. Sobrang saya ko! I’m so proud of this show talaga.” kuwento ni Kylie.

Sa batang edad ay tinuruan na si Joni ng kanyang ama kung paano maglaro ng billiards. Dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay magkakagulo ang kanilang pamilya at magdedesisyon ito na tumigil sa paglalaro. Sa kanyang pagtanda ay muli itong babalik sa larangan na minsang sumira sa kanilang pamilya.

Leading men ni Kylie rito sina Rayver Cruz at Jak Roberto. Kasama rin sina Jaclyn Jose, Gardo Verzosa, Joey Marquez,  Al Tantay, Klea Pineda, Ina Raymundo, Sue Prado at marami pang iba.

Swak na swak ang proyektong ito kay Kylie dahil sa lahat ng Kapuso leading ladies ay siya ang may kakaibang angas at ganda. Exciting!

Mapapanood na ang ‘Bolera’ simula ngayong May 30 sa GMA pagkatapos ng First Lady.

Previous articleKris Bernal kinainisan bilang kontrabida sa ‘Artikulo 247’
Next articleTop 10 KDramas to Watch this June 2022 (Part 1 of 2)