Kylie Padilla at Andrea Torres gaganap na lesbian lovers sa ‘#BetCin’

BINULABOG ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Andrea Torres sa kanilang recent social media posts kung saan tila maghahalikan na ang dalawang magandang aktres.

Ang mga larawan nina Kylie at Andrea na sila mismo ang nagpopost sa kani-kanilang social media accounts ay patikim lang sa kanilang upcoming LGBT-themed web series para sa WeTV Philippines at iFlix na #BenCin na ipoprodyus ng Rein Entertainment (producers of Bag Man).

Kylie Padilla at Andrea Torres gaganap na lesbian lovers sa '#BetCin'
Kylie Padilla and Andrea Torres

Ang proyektong ito pala ang dahilan kung bakit nadesisyon si Kylie na gupitin ang kanyang long, beautiful hair. Last week ay nagpost ito ng larawan kung saan astig ang dating nito habang nasa 4×4. Ang akala ng ilan sa kanyang mga followers ay para sa isang action film project ito. Well, anak naman siya ni Binoe kaya hindi malayong gumawa muli ito ng pelikula kung saan makikipagbakbakan siya, ‘diba?

Madami ang nashock na tinanggap ni Kylie ang proyektong ito. Yes, boyish ang mom of two and most people would wish that she’d take this type of role, but now that she finally did it, lalo kaming na-excite!

Idagdag pa na ang sexy actress na si Andrea Torres ang makakapareha niya. Ipapalabas din next week ang kanyang bagong primetime series sa GMA na ‘Legal Wives’ at aminin natin – we want to see Andrea in a lipstick lesbian role. Tama? TAMA!

Ayon sa nakalap namin na impormasyon, si Kylie ay gaganap bilang Beth at si Andrea naman si Cindy. Gaganap sila bilang vloggers na may malakas na fanbase sa internet. Hiwalay na sina Beth at Cindy, pero kailangan nilang i-tolerate ang isa’t isa nang mapili sila bilang semi-finalist sa isang patimpalak on #RelationshipGoals kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng 10 Million Pesos. That’s a lot of money! Kaya bang tiisin ng ex-lovers ang lahat para sa pera, o magbabalikan ba sila for real?

Kylie Padilla at Andrea Torres gaganap na lesbian lovers sa '#BetCin'
Kylie Padilla and Andrea Torres

Exciting para sa amin ang mga larawan na ipinopost ng dalawa. Halatang excited din sina Kylie at Andrea lalo na’t parehong outside of their comfort zones ang konsepto ng proyektong ito. Naalala tuloy namin ang memorable partnership nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos sa The Rich Man’s Daughter na naka-attract din ng bagong fanbase. Hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin sila ng fans in their individual projects. Happy rin kami na pinayagan sila ng GMA na gumawa ng web series. It’s about time!

Ipapalabas na ang #BetCin sa WeTV Philippines at iFlix ngayong Setyembre.