Kylie Padilla at Aljur Abrenica inaayos ang healthy co-parenting para sa dalawang anak

Leo Bukas
Si Kylie Padilla naman ang sumunod na nagkumpirmang  hiwalay na nga sila ng asawang aktor na si Aljur Abrenica. Ginawa ni Kylie ang pag-amin pagkatapos unang isiwalat ni Robin Padilla sa Youtube channel ni Ogie Diaz ang tungkol dito.

Sa interbyu kay Robin ay third party ang itinuturo nitong dahilan ng hiwalayan.

Kylie Padilla at Aljur Abrenica inaayos ang healthy co-parenting para sa dalawang anak
Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Sa opisyal na pahayag si Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ng aktor ay humihiling ito ng respeto at pang-unawa sa nangyari. Inamin din niyang apektado ang kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo dahil sa nangyari.

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family.

“In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.

“All we need right now is respect — first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family — to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way,” simulang bahagi ng official statement ni Kylie.

Idinagdag din ng aktres na gumagawa na rin sila ng paraan ni Aljur para maitaguyod nang maayos ang dalawang anak kahit pa hiwalay na sila.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

“Thank you for your love and support,” end of Kylie’s statement.

Taong 2018 nang ikinasal sina Kylie at Aljur. February of 2021 naman nang umugong ang balitang nagkakalabuan na ang dalawa dahil sa cryptic post ni Kylie sa kanyang Instagram na, “I’m submissive, not stupid,” “More self love, baby girl” and “Free.”