Kylie Padilla, aminadong mahal pa rin si Aljur Abrenica

ADVERTISING

Kylie Padilla, aminadong mahal pa rin si Aljur Abrenica

Kylie-PadillaMARAMI ANG nag-react na mas nagustuhan nilang bumalik ang Startalk sa Sabado.

ADVERTISING

Sayang at wala si Heart Evangelista kaya si Pauleen Luna muna ang pansamantalang pumalit.

Marami ang nabago sa format namin, at okay naman daw. Pero tingin ko may mga mababago pa ‘yan dahil iba naman talaga ang look ng Startalk. Parang naglalaro at nagtsitsismisan lang talaga kami, tapos siyempre singit ko ang mga bati ko, ‘di ba?

Marami ang pumuri na lalong gumanda si Kylie Padilla nang magpa-interview ito kay Heart Evangelista para sa Startalk.

ADVERTISING

Naloka  nga si Heart dahil sa ganda niyang ‘yun bakit sobrang in love na in love ito kay Aljur.

Inamin niyang in love pa rin siya, kaya sabi nga niya, hindi pa siya handang makipag-friends sa dating boyfriend at baka ma in love na naman siya uli.

Sundin daw niya ang payo ng Mommy niya na huwag nang makipagbalikan dahil uulit-ulitin lang daw nito uli.

Siyempre mas alam ng Mommy niya, kaya nagpapasalamat din si Kylie na kasama niya sa Australia nung nakipag-break si Aljur sa kanya.

Niyakap daw siya nang mahigpit ng Mommy niya at sinabihan nga siyang huwag na huwag itong magpadala kung sakaling makipagbalikan.

Alam ko, maraming nairita sa ginawa ni Aljur, at kuwento nga sa akin ng ilang staff ng Sunday All Stars, wala raw pumapansin sa kanya pati kay Louise. Kaya silang dalawa lang daw ang magkasama kapag nasa SAS sila. Pero irita ang karamihan sa kanila at I’m sure naramdaman naman ‘yan nilang dalawa.

Ilang linggo na ngang wala si Louise sa SAS kasi nandun si Kylie. I’m sure sila lang ang babantayan kapag magkasabay sila dun.

Pagkatapos nga ng interbyung ‘yun, pinayuhan nga siya ni Heart na dapat lumabas siya, makipag-date sa iba at mag-explore. Huwag na siyang magmukmok at umasa pang makipagbalikan kay Aljur.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING