Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagkita at bagbeso-beso sa isang event

ADVERTISING

Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagkita at bagbeso-beso sa isang event

Aljur-Abrenica-Kylie-PadillaLAST SATURDAY night sa PICC nagkita at nagbeso-beso sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica nang dumalo ang dalawa sa “Night of the Stars: A Celebration of Philippine Barong and Filipiniana Dresses.”

Tinanggap naman daw ni Kylie ang ginawang pagbating halik ni Aljur pero pagkatapos ay hindi na raw nakitang nag-usap pa ang dalawa.

Hindi naman kasi itinatanggi ni Kylie na pagkatapos ng break-up nila ni Aljur ay sinubukan nilang magkaayos uli.

Katuwiran kasi ng dalaga ni Robin Padilla na first love niya si Aljur at hanggang ngayon ay mahal pa rin raw niya ito. Pero dapat din daw niyang tanggapin kahit masakit para mag-grow.

ADVERTISING

Samantalang busy ngayon si Kylie, bukod sa Illustrado ng GMA 7 na pagsasamahan nila ni Alden Richards, ginagawa rin niya ang pelikulang Dilim kapareha ni Rayver Cruz.

Itinanggi ni Kylie na promo sa kanilang pelikula ni Rayver ang naglalabasan na nagkakamabutihan na sila ng actor.

Sa totoo raw, boyfriend material si Rayver dahil honest daw ito, mabait, maalaga, sobrang malambing at higit sa lahat ay simpleng tao.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING