Kyle Echarri sa kapatid na si Bella: ‘She’s always been the center of my life’

AMINADO ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri na umiikot ang kanyang mundo sa nakababatang kapatid na si Bella, na na-diagnose na may brain tumor.

Bida ngayon ang aktor sa upcoming digital series na ‘Beach Bros’ at ang kalagayan ng nakababatang kapatid ang isa sa tinanong sa kanya ng press sa virtual conference para i-promote ang bagong proyekto.

Kyle Echarri sa kapatid na si Bella: ‘She's always been the center of my life’
Kyle Echarri and sister Bella

“Sa kapatid ko naman, kita n’yo naman po sa post ko tungkol sa kaniya, she’s been my world since the day she was born. She’s always been my number one. Mahirap po talaga,” pag-amin ng young actor. “Yung pinagdadaanan niya ngayon mahirap po, hindi lang para sa ‘kin kung ‘di para din sa pamilya ko.”

Dumating sa Pilipinas si Kyle mag-isa para tuparin ang kanyang mga showbiz commitments. Inamin din nito na siya ay nasasaktan dahil hindi niya masamahan ngayon ang kanyang kapatid.

“It hurts that I can’t be there for her at this very moment in time. I can’t be with her all the time. Pero it’s just better for her to get the treatment done in America. For us, it will be better there,” saad nito.

“Mahal na mahal ko po talaga ‘yung kapatid ko. Alam n’yo naman po ‘yun since Day 1. Tuwing nagge-guest naman siya sa ‘Magandang Buhay’ talagang umiiyak po ako parati'”

“Hindi n’yo po makikita ang ganitong Kyle Echarri kung wala po si Isabela Echarri kasi siya po talaga nagbago ng buhay ko. And she’s always been the center of my life and everything that I do,” sambit pa ng binata.

We’re praying for Bella’s full recovery and healing!

Previous articleAJ Raval, ibinandera ang kanyang flat tummy
Next articleLianne Valentin, kinakainisan bilang Stella sa ‘Apoy sa Langit’