Kyle Echarri from good boy sa ‘Kadenang Ginto’ to bad boy sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Leo Bukas

PAANO KAYA tatanggapin ng fans ni Kyle Echarri ang role na pino-portray niya ngayon sa Kapamilya primetime series na Huwag Kang Mangamba? Kakaiba kasi ito sa role niya dati sa Kadenang Ginto na mabait siya. Sa HKM ay may pagka-bad boy si Kyle.

“Ako, medyo nagbago ang character ko nang kaunti. I’m not the super-super good boy anymore. Si Kristoff (ng Kadenang Ginto) po kasi ‘yung tipong kahit na ang sama ng ginagawa sa kanya ay ang bait pa rin niya sa tao.

Kyle Echarri from good boy sa ‘Kadenang Ginto’ to bad boy sa ‘Huwag Kang Mangamba’
Kyle Echarri

“Pero itong si Rafa sa Huwag Kang Mangamba may pinagdaanan po kasi, so, may ibang character na makikita rito,” paliwanag ng binata about her role sa seryeng pinagbibidahan din ni Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz.

Sa serye, si Rafa ay galing sa pamilya ng mga pulitiko. Siya ay apo ni Nonie Buencamino at kapatid ni RK Bagatsing.

Eh, ano naman ang masasabi niya kina Andrea at Francine na muli niyang nakatrabaho?

“Alam naman nating lahat na napakagaling po nilang dalawa. They are very good artists and I am happy that siyempre as a co-actor, as a co-star, as a friend, maipakita nila ang other side, kung ano pa ang kaya nila,” sey pa ni Kyle.

Kasama din sa HKM sina Sylvia Sanchez na gumaganap naman ng character ni Barang na may mental illness, Enchong Dee na isa namang pari, Angeline Quinto, Eula Valdez at marami pang iba.