KYLA, TRADITIONAL PINOY WEDDING ANG GUSTO

ADVERTISING

KYLA, TRADITIONAL PINOY WEDDING  ANG GUSTOPARANG KAILAN LANG nang mabalita that Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz are engaged. Ngayon ay isa na namang celebrity couple ang officially engaged. Ayon sa abs-cbnNEWS.com, Kyla has recently announced the good news that she and longtime boyfriend PBA cager Rich Alvarez are getting married.

They have been together for almost five years now.Masayang-masaya at excited ang singer nang ibalita niya ito during BIR’s ‘Buwis Mo Para Sa Bagong Pilipinas’ campaign kick-off.

ADVERTISING

“Marriage is coming, coming soon,” she said. Ipinakita rin niya ang kanyang engagement ring.

Ang kasal ay isang espesyal na okasyon para sa bride and groom, kaya dapat ay paghandaang mabuti. Maayos dapat ang lahat ng detalye gaya ng simbahan, entourage at reception. Sinabi ni Kyla na aayusin pa raw nila ni Rich ang schedule para sa kanilang nalalapit na kasal.

“Wala pang date, pinag-uusapan pa namin. We’re not sure, kasi depende ‘yon sa mga kamag-anak niya rin kasi. Ang mga kapatid niya nasa States lahat. So kung ano ‘yung avai-lability, kailangan naming mag-meet somewhere para lahat makapunta,” sabi ni Kyla.

ADVERTISING

Sabi nga nila, a woman looks the most beautiful on her wedding day. At gaya ng ibang girls ay may dream wedding din si Kyla. Gusto raw niya ng isang intimate at tradisyunal na church wedding.

“Gusto ko traditional, ‘yung naglalakad sa church, gusto ko sa church talaga. Medyo may pagka-Filipina ako, minsan ka lang kasing ikasal, ‘di ba? Kaya maglalakad na ‘ko sa aisle,” aniya.

Oo nga naman.! Sinu-sino kaya ang mapapabilang sa listahan ng kanilang wedding entourage? Abangan na lang natin.

Isa lang sina Kyla at Rich sa listahan ng mga celebrity couples kung saan ang isa ay showbiz personality at ang isa naman ay athlete. Sa Amerika ay nariyan ang A-list couple na sina David and Victoria Beckham who are dubbed “Posh and Becks” by the media. The stylish couple is expecting their fourth child soon.

Si Eva Longoria who plays ‘Gabrielle Solis’ in Desperate Housewives ay divorced kay Tony Parker na basketball player ng San Antonio Spurs. Brooke Shields was also once married to professional tennis player Andre Agassi.

Puwedeng-puwede nating pagsama-samahin ang mga hit songs ni Kyla to describe her beautiful relationship with Rich – ‘Ikaw Ang Tanging Pag-Ibig Ko’, ‘Because Of You’, ‘I Found Someone To Love’, ‘When I’m With You Lahat Ng Araw Ko Ay Beautiful Days’, ‘You Make Me Whole’, at ‘Ikaw Pa Rin Hanggang Ngayon’.

Indeed, Kyla is not your ordinary girl.

KYLA, TRADITIONAL PINOY WEDDING  ANG GUSTO

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING