KUYA GERMS, INISNAB NI SHALALA?!

ADVERTISING

KUYA GERMS, INISNAB NI SHALALA?!PINABULAANAN NG JUICY mainstay na si Shalala ang balitang dinaan-daanan na lang at hindi na nito pinansin ang kanyang mentor na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa isang event na pareho nilang dinaluhan.

Tsika ni Shalala, malabo raw mangyaring hindi niya babatiin man lamang si Kuya Germs dahil malaki ang respeto at pasasalamat niya sa Master Showman. Dagdag pa niya, kung hindi dahil kay Kuya Germs ay wala siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.

ADVERTISING

Utang na loob daw ni Shalala sa batikang TV host kung ano man ang kasikatang tinatamasa niya ngayon. Kaya naman daw huwag na silang intrigahin at gawan ng issue. Kahit ano man daw ang marating niya sa showbiz, hinding-hindi mababago na nagsimula siya at unang nakilala sa Master Showman at sa DZBB kasama si Kuya Germs.

MAY DALANG BUWENAS ang SexBomb sa noontime variety show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey dahil mula nang maging regular guest ang mga ito sa show, gumanda na raw ang takbo nito sa ratings game.

Mukhang marami ang na-curious at talagang nag-abang sa guesting ng SexBomb sa show, kaya naman plano na yata ng Dos na maging semi-regular na ang grupo sa show.

ADVERTISING

Hindi man nito maungusan ang katapat na Eat Bulaga na nananatili sa Number 1 spot, nagpakita naman ang Happy Yipee  Yehey ng  lakas at pagtaas ng ratings nung pumasok ang SexBomb. Kaya naman happy daw ngayon ang mga tao sa likod ng show dahil positibo ang dala ng all-female group.

Speaking of SexBomb, magkakaroon sila ng summer workshops sa acting at dance (jazz, hiphop, retro) para sa 6 to 12 years old kids at 13 years old and above naman for teens and adults. Ang grupo mismo ang magsu-supervise nito.

Nagsimula na ang registration last March 15. Sa mga interesadong mag-summer workshops, makipag-ugnayan at tawagan lang sina Kuya Butch at Ate Bien sa 982-4467.

BLIND ITEM: SINO itong sumikat na sexy star na isang probinsiyana at nakilala kasama sa all-female group ang sinasabing nagpalaglag daw ng dalawang beses nu’ng kanyang kabataan? Ang una daw ay nu’ng siya ay 14 years old at sumunod nu’ng 15 years old na siya.

Maaga raw kasing na-in love ang sexy star at naging mapusok at umabot nga sa pakikipag-live-in sa murang edad, kaya naman maaga rin itong nabuntis. Dahil hindi pa handa, kaagad naman niya itong ipinalaglag na inayunan naman daw ng kanyang bagitong ka-live in noon.

Hindi rin daw nagtagal ang relasyon ng sexy star at ng kanyang ka-live-in dahil pagkatapos mabuntis at magpalaglag, iniwan din ito ng batang kinakasama at umuwi sa kanyang pamilya.

At dahil hindi raw nito matanggap ang pag-iwan sa kanya, lumuwas ito ng Maynila, tuluyan na nagwala at pumatol kung kani-kaninong lalaki. Naging laman din siya ng iba’t ibang bar, ang naging ending nito ay ang pagsabak sa mundo ng hubaran. Sinuwerte naman na nakilala bilang isa sa primera at kontrobersyal na sexy star ng bansa.

KUYA GERMS, INISNAB NI SHALALA?!John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING