Kuya Germs, ‘di raw binastos nina Kim Chiu at Gerald Anderson – Morly Alinio

ADVERTISING

Kuya Germs, ‘di raw binastos nina Kim Chiu at Gerald Anderson - Morly Alinio

Kuya Germs, ‘di raw binastos nina Kim Chiu at Gerald Anderson - Morly AlinioMATINDI PA RIN ang sama ng loob ni German Moreno matapos na “isnabin” nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang kanyang German Moreno Youth Achivement Award sa nakaraang FAMAS. Feeling ni kuya Germs ay binastos siya ng loveteam ng Dos.

ADVERTISING

“Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan nila dahil in the first place, alam nila na tatanggap sila ng award, pero nu’ng tinatawag na ang pangalan nila,e, wala na sila,” himutok ni kuya Germs na sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang “naisnab” ang recognition na taunan niyang ibinibigay sa mga pinakamainit na youngstar ng bansa.

[ad#post-ad-box]

Sabi naman nina Kim at Gerald, walang katotohanang inisnab nila ang recognation na ibinigay sa kanila ni kuya Germs dahil bago pa sila magtungo sa FAMAS ay alam na ng pamunuan ng nasabing award-giving body na saglit lang sila sa nasabing okasyon dahil may kanya- kanyang silang taping na dapat tapusin.

Ang Star Magic na mismo ang nagsabing walang intensiyon sina  Kim at Gerald na bastusin ang special award ni Kuya Germs, nagkaton lang na kailangan na talagang bumalik ng dalawa sa kani- kanilang tabaho. “Actually, dapat nga ay hindi na darating sina Kim at Gerald kasi nga ay may taping sila pero mas ginusto nilang magpunta kahit saglit dahil gusto nga nilang ma-feel ‘yung FAMAS at excited sila sa award ni Kuya Germs. Kaya lang, medyo mahaba at matagal nagsimula ang FAMAS kaya hayun kinailangan na nilang umalis,”’ pagtatanggol ng isang taong nagmamahal kina Kim at Gerald.

ADVERTISING

WALANG BALAK ang mga Revilla na isoli si Budoy sukdulang magwala si Rosanna Roces. Ang katwiran nila, ginagawa lang ng mag-asawang Lani Mercado at Senator Bong Revilla ang kanilang tungkulin bilang lolo at lola, na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang apo.

“Dapat magpasalamat si Osang dahil pinag-aaral at mahal na mahal nina Bong at Lani ang bata. Dapat hindi siya magwala,” pahayag ng aming kausap. Pero hindi rin naman natin minemenos ang katwiran ni Osang dahil mula pa sa pagsilang ni Budoy ay siya na ang nag-alaga nito at ngayong malaki na ay bigla na lang mawawala sa kanyang poder.

Isa lang naman ang pinupunto ni Osang kung bakit siya nagwawala, ibalik sa kanyang pangangalaga si Budoy dahil kaparte na ito ng kanyang buhay at magiging boring daw ang kanyang araw kung hindi niya makakasama ang pinakamamahal na apo.

“Alam mo, Morly, huwag na natin siyang patulan. Hayaan na lang natin siya kung ano ang gusto niyang sabihin dahil alam naman ng mga tao na hindi para sa amin ang ginagawa namin ni Lani kundi para sa bata. Isa pa, bakit naman niya kami kakasuhan ng kidnaping, eh, hindi naman namin kinidnap si Gab sa kanila kundi sila mismo ang nagbigay sa bata at may pinirmahan si Grace na kasunduan na ibinibigay niya ang karapatan o custody kay Jolo (Revilla). At bilang ama, may karapatan si Jolo kung ano ang sa tingin niya ay tamang gawin sa kanilang anak ni Grace,” paliwanag ni Senator Bong.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING