Kuya Germs at Alfie Lorenzo, nagdededmahan?!

ADVERTISING

Kuya Germs at Alfie Lorenzo, nagdededmahan?!ABA, HINDI LANG pala sa TV mapapanood si Venus Raj! Nakita raw pala ang beauty ng bagong Kapamilya star na nakikipag-meeting sa may Resorts World para sa Valentine concert daw ni Christian Bautista the other day lang.

Ano kaya ang magiging participation ng Miss Universe 2010 4th Runner-up sa nasabing concert? Mag-sing and dance kaya si Venus? Abangan!

ADVERTISING

NAKAKATUWA NAMAN SI Anne Curtis at ang family nito sa Pampanga, dahil may tinatawag pa silang “Australia Day” nu’ng isang araw para magkita-kita silang pamilya at mag-bonding.

Dinalaw ng magandang aktres sa Pampanga ang kanyang tinatawag na baby sister na si Jasmine Curtis-Smith, kanilang Kuya at ang kanilang Daddy na tinukoy n’ya na, “our very own friendly giant, Daddy dearest!”

Ang sweet naman nilang mag-aama.

ADVERTISING

MAGKAIBIGAN NAMAN PALA kahit paano ang current girlfriend ni Derek Ramsay na si Angelica Panganiban at ex-girlfriend nitong si Solenn Heussaff.

Nire-tweet kasi ng Bulong star na si Angelica ang tweet ni Solenn tungkol sa pagkamatay ng aso ng huli. Nag-tweet din ng pakikiramay si Angelica. Oh, ‘di ba, in good terms naman pala ang past at present girlfriends ni Papa Derek?!

Heto ang tweet nina Angelica at Solenn: “Oh no!!! Condolence :( RT @solennheussaff: my dog Yuki passed away this morning from poisoning ; (“

HOW TRUE NA dinedma ni Tito Alfie Lorenzo si Kuya Germs Moreno nang magkita ang dalawa sa labas ng Imperial Palace Suites nu’ng Sabado ng gabi?

Nagkaro’n daw kasi ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang haligi ng showbiz tungkol sa napabalitang pag-uwi rito sa Pilipinas ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor next month—February.

Nawa’y magkaayos din ang dalawa sa mga respetadong personalidad sa showbiz.

Speaking of Tito Alfie, totoo rin kaya na inisnab nito si JC de Vera na tumawag sa kanyang cellphone para batiin ang una ng happy birthday nu’ng araw mismo ng kaarawan nito, dahil sa tampo sa binata?

Just asking?

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Kuya Germs at Alfie Lorenzo, nagdededmahan?!
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING