Kuwento raw ni Jed Salang sa mga kaibigan
Kaya hiniwalayan: Ai-Ai delas Alas, sex maniac?!

ADVERTISING

<i>Kuwento raw ni Jed Salang sa mga kaibigan</i><br>Kaya hiniwalayan: Ai-Ai delas Alas, sex maniac?!

<i>Kuwento raw ni Jed Salang sa mga kaibigan</i><br>Kaya hiniwalayan: Ai-Ai delas Alas, sex maniac?!NATUTULOG PA raw pala si Ai-Ai delas Alas nang dalawin siya ng kanyang long-time friend na si Willie Revillame sa kanyang bahay sa Ayala Hillside sa Tandang Sora, Quezon City bandang 9:30 ng umaga last Monday matapos ang kanyang one-on-one interview kay Tito Boy Abunda last Sunday sa The Buzz tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawang si Jed Salang.

“Ginigising ako ng secretary ko. Sabi, may bisita raw ako, si Willlie. Sabi ko, sinong Willie? Si Willie Revillame, sagot ng sekretarya ko,” kuwento ng comedy queen.

Nakatira lang si Willie sa Ayala Heights na katabing subdivision kung saan nakatira si Ai-Ai.

Nagulat daw ang isa sa tatlong hinirang na Box-Office Phenomenal Stars ng 2012 sa pagdalaw ng controversial TV host sa kanya. Although wala namang naging issue o away sa pagitan nila noon para hindi siya dalawin ni Willie. “Sa dami kasi ng mga kapit-bahay kong artista, si Willie pa ang dumalaw,” tsika pa ni Ai-Ai.

ADVERTISING

Dagdag pa ng aktres, “Baka naalala ni Willie na kapag down na down siya noon, lagi ko siyang tine-text para kumustahin at padalhan ng inspirational quotes.”

<i>Kuwento raw ni Jed Salang sa mga kaibigan</i><br>Kaya hiniwalayan: Ai-Ai delas Alas, sex maniac?!Bukod sa regalong Louis Vuitton bag kay Ai-Ai at pagbibigay ng tig-P5,000 sa mga staff niya, nag-offer daw si Willie sa kanyang kaibigan na pumunta ng Macau gamit ang kanyang eroplano para magbakasyon muna at mag-enjoy.

Ang TV host-actor-singer na rin daw ang bahala sa hotel na kanilang tutuluyan na malamang sa Venetian Hotel.

Isama raw ni Ai-Ai ang kanyang tatlong anak o buong pamilya at kanyang staff, kaya lang daw ay sinabi ng bagong hiwalay sa kanyang asawa kay Willie na ang panganay niya lang na si Sancho ang kasama niya ngayon dito sa Manila, dahil nasa Amerika ang kanyang dalawa pang anak na sina Nicky at Sophia.

Ganu’n pa man, sobrang pasasalamat ni Ai-Ai sa kaibigang si Willie sa pag-aalala at pagbibigay nito ng suporta sa aktres.

Incidentally, last Sunday night daw ay may nakakita pa kay Jed sa isang birthday party sa Alabang area.

Pero how true na ang kuwento raw diumano ng estranged husband na ngayon ni Ai-Ai sa mga kaibigan niya ay sex maniac diumano ang aktres kaya niya ito hiniwalayan?

Sinubukan naming kunin ang panig ni Jed hinggil sa paghihiwalay nila ni Ai-Ai sa pamamagitan ng pagtawag namin sa kanyang cellphone number two Fridays ago and last Monday, subalit, incorrect na ito.

Tumawag din kami sa kanilang opisina sa Kia Alabang nu’ng Lunes din ng hapon ngunit hindi raw pumasok si Jed nu’ng araw na ‘yon, ayon sa aming nakausap na babae.

 

HUWAG NAMAN sanang magdamdam ang mga fan ni Richard Yap o mas kilala bilang si Sir Chief ng hit teleserye na Be Careful With My Heart sa kanilang idolo nang hindi ito makarating sa inorganisa nilang surprised birthday party para sa aktor nu’ng Huwebes, May 23, ng gabi.

May previous commitment na kasi si Richard nu’ng araw na ‘yon. Buong araw siyang may trabaho (bukod sa iba pang work nu’ng sinundan na araw at gabi) na inabot na ng gabing-gabi, kaya sobrang pagod na ng tao.

Kinabukasan, may scheduled work ulit siya na actualy, araw-araw ay puno ang kalendaryo ni Sir Chief ng trabaho kung kaya nga pati ang humahawak sa kanyang karera na si Deo Endrinal ay hindi makasingit sa kabisihan niya para sa isang dinner-meeting na may dalawang buwan na yatang pilit ini-schedule, walang biro.

Pero sana, sa fans ni Sir Chief na nagbabalak muli ng sorpresa, sa handler na lang niya kayo mismo makipag-coordinate nang mas maaga from the start, para mas maayos at makumpirma ang schedule, at makapag-commit talaga sila.

Pero huwag kayong mag-alala, dahil may inaayos na grand fans day ang kampo ni Sir Chief para sa inyong lahat na walang sawang sumusuporta sa kanya simulat sapol.

Bukod diyan ay malapit-lapit na rin kayong handugan ni Sir Chief ng isang record album under Star Records na siguradong magugustuhan n’yo!

Abangan din ang pag-awit ni Sir Chief ng theme song ng pelikulang Four Sisters and a Wedding ng Star Cinema na malapit nang ipalabas na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Enchong Dee, Shaina Magdayao, at Angel Locsin!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING