Kurt Nathaniel Gatip, gustong sundan ang yapak ni Billy Crawford

ADVERTISING

Kurt Nathaniel Gatip, gustong sundan ang yapak ni Billy Crawford

Kurt-Nathaniel-GatipANG MAGING mahusay na singer, dancer, host, at actor katulad ng kanyang idolong si Billy Crawford ang yapak na gustong sundan ng Internet sensation at tinaguriang Cyber Prince at Cyber Royalties Prime Talent na si Kurt Nathaniel Gatip.
Tsika nga ng 16 years old ambassador ng Aim Global Team Flushout International, “Bata pa po ako, idol ko na si Kuya Billy (Crawford). Katulad niya, gusto ko ring sumikat ‘di lang magaling na dancer, singer, or host, kung hindi magaling na artista.”
At ang mga videos nga niton sa Youtube ay libu-libo na ang views, katulad na lang ng kanyang Video Challenge na umabot na sa 780k views, samantalang ang kanyang FB page naman ay may 180k followers.
Para mas mapalapit pa sa kanyang mga tagahanga, magkakaroon ito ng grand get together party entitled “Cyber Prince Kurt, Grand Get Together Party” sa Aliw Complex, Meycauayan, Bulacan sa September 13, 1-5 pm with special guests Hype 5, Unique 5, Christian David, and Prince Teodoro.
At para sa mga interesadong kunin ang serbisyo ni Kurt sa events at guesting, tawagan lang ang mabait at masipag nitong manager na si Mr. Bhert Palomares sa numerong 09166157269.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING