KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!

ADVERTISING

KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!

KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!
Aiza Seguerra, Liza Dino and daughter Amara

ISANG BIRTHDAY SALUBONG ang ginawa ni Aiza Seguerra para sa kanyang kabiyak na si Liza Diño last night (Saturday, June 24) sa CommunEATy, isang food park along Roces Ave.(near Tomas Morato Ave.) sa Quezon City kung saan ang masarap nilang adobo (pork and chicken) ay nagse-serve sa outlet nila na ‘Adobo Project’. Dito rin matatagpuan ang Meat Kris, ang home-made pure beef specialty ni Kris Bernal (of GMA’s Impostora), na isa pa sa mga celebrity owners na may pwesto sa naturang food park.

 
Sa birthday salubong, isang sorpresa ang pinagtuunan ng pansin ng Mister.
 
KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!Sa katunayan, Lunes pa lang, nagi-invite na si Aiza ng mga kaibigan nila. Noong Monday ko natanggap ang imbitasyon ni Aiza.
 
Dapat andun na kami bago mag-7:30pm. Dapat dumating kami bago ang celebrant.
 
Dumating kami sakto sa oras. Kaming tatlo lang mula sa mga media friends ng dalawa ang present. Si Nitz Mirales (na dumating ng mas maaga) at si Maridol Bismark.
 
Early that day ay nagtataka si Liza kung bakit ang mga staff nila sa Adobo Project ay maraming niluluto. Naghihiwa ng sibuyas at kamatis para sa adobong pork and chicken na specialty na ino-offer nila sa kanilang kiosk.
 
That week, may emote pa nga daw sina Liza at Aiza dahil parang deadma lang si Mister sa papalapit na kaarawan ni Misis (today, Sunday June 25 ang birthday ni Liza). “Sabi ko sa kanya, tulungan niya akomag-prepare ng party ko. Pero wala. Parang deadma. Yun pala may pakulo siya,”natatawang tsika sa amin ni Liza.
 
KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!
Aiza Seguerra jamming with Amara

Sa naturang salubong birthday party last night ay nagkaroon pa ng jamming session at nag-perform si mister ng ilang memorable songs nilang dalawa. Nagkaroon tuloy ng instant show si Aiza Seguerra kagabi na in-enjoy din ng ilan sa mga patrons ng food park.

 

At the party, dumating ang kaibigang Bernardo Bernardo, ang parents ni Liza, mga kapatid and relatives.

KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!
Liza with Beverly Salviejo
 
KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!
Sylvia Sanchez, Aiza Seguerra and Liza Dino

 

ADVERTISING
KUNWARI DEADMA LANG: Aiza Seguerra, binigyan ng surprise party si Liza Diño!
Liza with Dad Martin Dino and DSWD Sec. Judy Taguiwalo
Present din sina DSWD Sec. Judy Taguiwalo, actress Sylvia Sanchez, comedienne Beverly Salviejo (na nagpaunlak ng napakagandang kanta na Lovin You ni Minnie Riperton, Direk Perci Intalan (dami niyang tsika sa amin) at mga taga-indie film industry friends ng celebrant.
 
Happy Birthday FDCP Chairman Liza Dino!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING