Kung walang Angelica Panganiban Derek Ramsay, liligawan si KC Concepcion!

ADVERTISING

Kung walang Angelica Panganiban Derek Ramsay, liligawan si KC Concepcion!

Kung walang Angelica Panganiban Derek Ramsay, liligawan si KC Concepcion!FIRST TIME na nagpahayag si Derek Ramsay ng kanyang saloobin sa biglang pagkakaudlot ng pelikula nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema.

Ayon kay Derek, nagulat daw siya dahil siya ang kahuli-hulihang tao na nakaalam na hindi na pala tuloy ang project nila ni Bea.

“Honestly, hindi ko alam na hindi na pala tuloy ‘yung movie namin ni Bea, pero naiintindihan ko naman ang Star Cinema kung bakit nagawa nila iyon. According to Tita Malou Santos, marami silang talent na dapat ay mabigyan nila ng project. But since nasa TV5 na ako, ‘yung movie namin ni Bea ay hindi na raw tuloy. Naiintindihan ko ang bagay na iyon pero nagulat lang ako kasi may ilang offer ang hindi ko nagawa. Kasi from Australia, ang iniisip ko nu’n magsi-shoot ako nu’ng sa amin ni Bea, kasi naka five days na ako du’n. But since naintindihan ko naman ang Star Cinema, naiintindhan ko naman ang sitwasyon,” sabi ni Derek nang makausap namin kamakailan.

Ayon pa rin kay Derek, hindi man natuloy ang movie nila ni Bea ay may pelikula naman siyang sisimulan agad.

ADVERTISING

“Nu’ng malaman kong shelved na ang movie namin ni Bea, siyempre nalungkot ako. Pero after five minutes, biglang-biglang tumawag ang manager ko na si Jojie Dingcong at sinabi niya sa akin na may gagawin akong movie with KC Concepcion at Anne Curtis, kaya parang nawala agad ‘yung lungkot ko.”

Bukod sa pelikula with KC at Anne, naka-line-up din kay Derek ‘yung movie offer with Sen. Bong Revilla at Gov. Vilma Santos. “Wow sobrang bleassing ito ‘pag nangyari. Kasi imagine Senator Bong Revilla ‘yan… at si Ate Vi! Hindi pa ako artista, idol ko na ‘yan. Si Ate Vi ang hinahangaan kong artista sa buong buhay.”

Bukod kina Ate Vi at Sen. Bong, may plano rin ang Viva Films na i-partner si Derek kay Marian Rivera at Sarah Geronimo, at si Maricel Soriano naman ang para sa Regal. “Ayoko munang magsalita, basta happy ako sa nangyayari sa aking career.”

Paanong hindi magiging happy si Derek gayong tuloy na tuloy na next month ang kanyang bagong show sa TV5 at ito ay ang Amazing Race at Olympics bukod pa na siya ang magho-host ng Miss World-Philippines.

Pero mas naloka kami nang itanong namin sa kanya na kung wala siyang Angelica Pa-nganiban in real life na girlfriend, sino kina Anne at KC ang posible niyang mapusuan?

“Si KC siguro, kasi iba ‘yung dating niya sa akin. Very liberated din siya like me at maganda talaga siya.”

Maganda din daw si Anne, kaya lang, “Magkaibigan lang talaga kami. Hindi ko siya puwedeng ligawan,” pagwawakas ng aktor sa Pinoy Parazzi.

Kung walang Angelica Panganiban Derek Ramsay, liligawan si KC Concepcion!

SOBRANG TUWA ang manager ni Gerald Santos sa pagkaka-dismiss ng kasong Kidnapping with Ransom sa kanya ng isang fan ng alagang aktor.

“Last week ako nakalabas ng kulungan na almost two months kong pinagdusahan ang isang kasalanan na wala akong kaalam-alam,” sabi ni Doc Rommel Ramilo nang nakausap namin kamakailan sa Timog.
Ayon kay Gerald, maging siya ay nagulat nang hulihin ang kanyang manager. “Alam kong hindi magagawa iyon ni kuya, hindi siya kidnapper. Kumbaga, planted lang ang lahat. At natutuwa ako dahil heto na siya sa labas at nakakakilos na uli nang normal.”
Ayon kay Doc Rommel mahirap ang naging kalagayan niya sa Trese Martires Municipal Jail. “Sobrang hirap talaga. Masakit pala ‘yung ganu’n… ‘yung makulong ka nang wala kang kasalanan dahil wala naman talaga akong kinikidnap.”
Sinabi nina Rommel at Gerald na wala silang balak magkontra-demanda, dahil ang mahalaga ay lumabas na ang katotohanang walang kasalanan ang nasabing kontrobersiyal na manager.
“Dahil sa nangyari, mas pipiliin namin ngayon ang mga taong pagkakatiwalaan dahil mahirap ang ganitong sitwasyon. Buti na lang nang mangyari ito ay naayos na ni Kuya ang mga sked ko kaya hindi masyadong naapektuhan ang aking career dahil lahat ng mga commitments namin ay napupuntahan ko naman, dahil naayos niya iyon nang maaga,” pagwawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING