Kung talagang mahal ang GF
Chito Miranda, mas mabuting pakasalan para panindigan

ADVERTISING

<i>Kung talagang mahal ang GF</i><br>Chito Miranda, mas mabuting pakasalan para panindigan

<i>Kung talagang mahal ang GF</i><br>Chito Miranda, mas mabuting pakasalan para panindiganSIYEMPRE, INITIAL reaction namin nu’ng mapanood ang 7-minute sex video nina Neri Naig at Chito Miranda ay pagka-shock. Sabay ‘yung feeling na, juice ko, kumalat na sa facebook ang video na ‘yon bukod sa kumalat din sa twitter ang mga retrato ng iskandalong ‘yon.

ADVERTISING

Hindi naman nagmaang-maangan ang lead vocalist ng Parokya Ni Edgar. Inamin nitong sila ‘yon ni Neri, pero ito’y pribadong video. Na unfortunately, ‘yung hard drive ay kasamang nanakaw sa bahay ni Chito.

Kaya ayun, nai-upload sa social media.

Hindi ito stolen shot, aware ang dalawa while doing it, dahil inaayos pa nila ang kamera ng kanilang laptop para makita ang expression ng kanilang mukha na sarap na sarap sa kanilang ginagawa.

ADVERTISING

Kami naman ay naniniwalang ito ay pang-pribadong video lang, at ito’y nanakaw. Pero sana ito ay magsilbing lesson na sa lahat na ‘pag gagawa ng kagagahan o kahit pakikipagtalik eh, ‘wag nang magtanim ng magiging ebidensiya someday.

Ngayon, sa mga Instagram posts ni Chito Miranda, halos lahat ng comments na nababasa namin ay pinalalakas ang loob nila ng Star Circle Quest finalist na girlfriend niya.

Kasabay nito ang pagpipiyesta ng mga bashers sa pagse-share ng naturang video at pang-ookray kay Chito Miranda.

Hindi para okrayin namin si Chito. Baka saluduhan pa nga namin siya sa agad niyang pag-amin at paghingi ng sorry sa respective families nila ni Neri.

At meron pa ngang nagsasabi, kung talagang mahal ni Chito si Neri, ba’t hindi pa niya ito pakasalan para panindigan ‘yung babae?

Ano kaya’ng reaksiyon dito ni Chito?

Sana, i-video niya ang sagot para ‘yun na lang ang pipik-apin ng mga news.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING