Kung sakaling mangyari
Gretchen Barretto, banned sa burol ng magulang?

ADVERTISING

<i>Kung sakaling mangyari</i><br> Gretchen Barretto, banned sa burol ng magulang?

Gretchen-BarrettoMAAARING ITANGGI ito ng kampo ng kanyang mga magulang, pero gaano katotoo na kung sakaling—God forbid—mamaalam daw ang isa sa mga ito’y banned sa burol si Gretchen Barretto?

Kung ang pagbabasehan ay ang abot-langit na galit ni Mrs. Inday Barretto kay Greta, mukhang ang tsikang nasagap namin indeed holds water.

For sure, one way or another ay nakarating na ito sa kaalaman ng aktres. But if she’s still the loving daughter to her parents—kapag siya’y nagre-reflect—somehow ay nais na niyang magkaroon ng puwang ang kapatawaran para sa isa’t isa.

Let’s face it, in a matriarchal society, ang simpatya ng tao ay laging nakasentro sa ina, no matter what.

ADVERTISING

Again, we dread the day na pagsisihan ni Gretchen ang pagtalikod sa kanyang mga magulang, na kung tutuusi’y puwede namang pairalin ang pagiging civil without washing their dirty linen in public.

Classic example ay ang sigalot sa pagitan ni Heart Evangelista at ng kanyang ina.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING