Kung may choice
Gerald Anderson, mas type na non-showbiz ang next GF

ADVERTISING

<i>Kung may choice</i><br> Gerald Anderson, mas type na non-showbiz ang next GF

<i>Kung may choice</i><br> Gerald Anderson, mas type na non-showbiz ang next GFGERALD ANDERSON is enjoying his single life. He is one of the lead stars of Star Cinema’s movie 24/7 in Love at may upcoming teleserye rin siya sa ABS-CBN. Abala siya ngayon sa kanyang showbiz career kaya marami ang nagtatanong kung may puwang ba sa kanyang buhay ngayon ang pag-ibig.

Ayon sa isang artikulo sa ABS-CBNnews.com, sinabi ni Gerald that he is not stopping himself from falling in love again. “Lagi naman akong open sa lahat basta tamang timing at kung masaya ako at masaya siya kung sino man iyon. Pero hindi ko naman hina-hanap o hindi ko naman kailangan hanapin iyon.”

Kung muli mang kumatok si Kupido sa kanyang puso ay mas gusto naman niyang non-showbiz ang kanyang susunod na girlfriend. “Given a choice sana non-showbiz para maiba naman. Tahimik. Pero you’ll never know, hindi ko pa rin masabi.”

Pawang pinag-usapan ang mga dating relasyon ni Gerald. Maraming intrigang ipi-nukol sa kanya kaliwa’t kanan tungkol sa isyu ng hiwalayan.

ADVERTISING

He is paired once again with former loveteam and girlfriend Kim Chiu in 24/7 in Love. Okay naman ang samahan nilang dalawa ngayon. Kim is now being linked with Xian Lim. Gerald admitted in an interview that he’s a fan of the loveteam of Kim and Xian na nabuo sa series na My Binondo Girl. Masaya raw siya dahil kaibigan rin niya si Xian.

Marami rin ang nanghinayang at nalungkot when his “special” relationship with Sarah Geronimo ended. Maraming lumabas na anggulo tungkol sa totoong dahilan ng kanilang “hiwalayan” pero nananatiling tahimik ang magkabilang kampo. Matatandaang sinabi noon ni Gerald sa isang interview na friends pa rin sila ni Sarah at nakiusap siyang bigyan ng privacy si Sarah at pamil-ya nito. Hindi man sila nagkakausap nang madalas ngayon but he still considers her as someone special. “Paano magiging closed iyan eh, hindi naman natin kayang basahin ang future? Hindi na gaano, hindi na [kami] masyado [nakakapag-usap]. Oo naman, [espesyal pa rin siya],” pag-amin niya.

Masaya si Gerald ngayon at iyon ang mahalaga. I’m sure there will come a time na muling sasayaw ang kanyang puso because someone will make him dance again.

<i>Kung may choice</i><br> Gerald Anderson, mas type na non-showbiz ang next GF

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING