Kung mananatili sa Dos o lilipat sa Singko Derek Ramsay, kasama ang pamilya sa pagdedesisyon

ADVERTISING

Kung mananatili sa Dos o lilipat sa Singko Derek Ramsay, kasama ang pamilya sa pagdedesisyon

Kung mananatili sa Dos o lilipat sa Singko Derek Ramsay, kasama ang pamilya sa pagdedesisyon MATAGAL NANG usap-usapan ang paglipat diumano ni Derek Ramsay sa TV5 from being a Kapamilya star kapag natapos na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Last year pa ang ganitong tsismis pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong development kung ano na nga ba ang magiging estado ng aktor, kung magiging Kapamilya pa ba siya o lilipat na siya sa ibang network?

ADVERTISING

At nitong Pebrero 29, nagtapos na nga ang kanyang kontrata sa Dos. Naiulat din sa isang entertainment website noong March 1 na nagkaroon na nga ng meeting si Derek at mga bigwigs ng ABS-CBN pero wala pa raw pormal na mga proyektong nailatag sa aktor. Pero may mga offer na raw sa kanya ang ABS-CBN. Ayon pa sa ulat, baka raw after ng isang linggo ay may desisyon na ang TV host-actor kung ano na nga ba ang plano niya.

Noong Sabado, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, nagkaroon ng pagkakataon ang programa na makapanayam si Derek bago pa man ito tumulak papuntang U.S. para sa isang engagement.

Kuwento pa ni Derek, “Nu’ng (February) 29, nakipag-meeting ako kay Sir Gabby (Lopez) at kay Tita Malou (Santos), that was the last day rin of my contract with ABS. So, after that meeting, nagbigay sila ng offer.

ADVERTISING

“’Yung offer na ‘yun ay nakarating na sa manager ko, nakarating na sa daddy ko. So, pagbalik ko galing America, ‘yun ang priority.

“We’re gonna go through the contract and then that’s when the decisions will be made. So, I’m pretty sure by next week, malalaman na natin kung saan ako pupunta, kasi… pero wala pa.”

Apat na araw raw namalagi si Derek sa America at sa mga araw na ito ay nakabalik na si Derek sa bansa.

Ayon pa sa ulat ng Paparazzi, aminado raw si Derek na mabigat ang kanyang kalooban sa kanyang gagawing desisyon.

Dagdag pa niyang kuwento, “It’s very hard. I don’t want to, to, you know, burn bridges, I don’t want to, it’s hard, it’s a hard decision for me.

“I have to think about myself, I have to think about other people, there’s lots of things that, that come into play here pero ang sigurado diyan hindi ko gagawin ‘tong desisyon na mag-isa, kasama diyan ang pamilya ko and yeah, we’ll just have to wait and see till next week.”

Ang tanong ngayon, nakapag-desisyon na kaya ang kampo ni Derek? ‘Yan siguro ang mala-king balitang ihahayag niya in the coming days.

 

ISANG BIRTHDAY surprise para kay Janna Dominguez ang inihanda ni Mickey Ablan noong nakaraang Linggo, March 11, 2012. Nagsisilbi na rin itong baby shower para sa kanilang pa-nganay na naka-takdang isilang sa Abril.

Ayon pa kay Mickey, so far, normal delivery ang pagsisilang ng kinakasama sa susunod na buwan. Hirit namin kay Mickey thru text kung may plano na nga ba silang magpa-kasal, ang sagot niya, “Oo naman, kung pakakasalan niya ako.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING