Kung kani-kaninong LALAKI NALI-LINK: AKTRES, NAGWAWALA NA?!

ADVERTISING

Kung kani-kaninong LALAKI NALI-LINK: AKTRES, NAGWAWALA NA?! REACT TO DEATH agad at laging nanggagalaiti sa galit ang karamihan sa fans ng isang aktres everytime na may lumalabas na tsismis na nagli-link sa kanilang idolo sa kung kani-kaninong lalaki. Kahit pa blind item ang pagkakasulat, talagang sila pa mismo ang mag-a-identify na ang aktres nga ito.

Hindi ba nila naiisip, baka naman totoong naglalaro na ng apoy ang kanilang idol?

ADVERTISING

Nagsimula kasing ma-link kung kani-kanino ang aktres na ito mula nang mapabalitang on the rocks na ang pagsasama nila ng kanyang ka-relasyon.

Unang natsismis kay aktres ang isang non-showbiz guy. Kasunod nito, sa isang hunk actor naman siya naugnay kamakailan. Tapos ngayon, may bago na namang nali-link sa kanya, isang prominenteng businessman na very controversial din dahil kuwestiyunable ang pinanggalingan ng kayamanan.

Ano ba ang nangyayari sa aktres na ito at pagkatapos ng isa ay may bago na namang lalaking natsitsismis sa kanya? Nagwawala na nga ba talaga siya?

ADVERTISING

Kasabihan kasi na kung walang apoy, walang usok. Kung walang nakikita sa ‘yo na kaintri-intriga, hindi ka masasalang sa kung anu-anong kontrobersiya.

Naman!

MASYADONG MAAGA pa para bigyan ng titulo si Alex Gonzaga bilang bagong Prinsesa ng Primetime.

Puwede sigurong prinsesa ng primetime ng TV5 lang. Dahil siya ang pinagkatiwalaan na gawing bida ng kauna-unahang big-budgeted drama series ng Kapatid Network na Babaeng Hampaslupa.

Pero para maging Prinsesa ng Primetime ng Philippine television, hindi pa. She still has a lot to prove. Lalo at bago pa lang umere ang tinatampukan niyang soap and late last week lang siya nagsimulang mapanood ang mga tagpong kasali na siya.

Isa pang punto, there are bigger stars than Alex na bida rin ng mga primetime series ng mga kalabang istasyon. Bago siya ang mabansagang Prinsesa ng Primetime, si Angel Locsin muna siguro na bida sa Imortal ng ABS CBN o iba pang lead stars ng mga panggabing serye hindi lang ng Dos kundi maging ng GMA 7.

But in fairness kay Alex, it’s good to see na kaya niyang gumanap ng serious at dramatic role. ‘Yun nga lang, nakadikit pa rin ang imaheng kikay na siyang naging tatak na niya bilang si Alex Gonzaga. It will take years pa siguro bago siya tuluyang makakawala dito lalo at araw-araw siyang napapanood na nagpapakuwela sa Juicy mula Lunes hanggang Biyernes.

Malaking challenge ito para kay Alex, na for sure, pagtitiyagaan naman niyang bunuin nang bonggang-bongga.

‘Yun na!

NAGKITA kamakailan sa isang event ang da-ting magka-loveteam na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Very warm pa rin naman sila sa isa’t isa. Parang kagaya noong mga panahong sila pa ang magkapareha.

‘Yun nga lang, tila nanibago raw nga itong si Kris sa Machete built ng katawan ngayon ni Aljur. Kumbaga, tila yata mas naging yummy ngayon ang binata sa paningin ng aktres.

Nang mabirong tanungin sa reaksiyon niya tungkol sa lumaking katawan ni Aljur, ang nasabi na lang ni Kris, parang gusto raw niyang subukan ‘yong sinasabing Machete diet.

Ganyan?

Aba’y huwag naman. We cannot imagine Kris Bernal na dahil sa Machete Diet ay magma-muscle-muscle din ang katawan!

Joke lang! Ayaw ng fans!

Kung kani-kaninong LALAKI NALI-LINK: AKTRES, NAGWAWALA NA?!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING