Kung anu-ano na rin ang lumalabas sa bibig…Dingdong, nahawa na sa kamandag ni Marian!

ADVERTISING

Kung anu-ano na rin ang lumalabas sa bibig…Dingdong, nahawa na sa kamandag ni Marian!

KUNG DATI-RATI EH, blind item lang pero nakumpirma nang si Papa Dingdong Dantes ang aktor na sumigaw at ‘nagmura’ sa mga staff ng isang talk show na nag may-I-sugod sa bahay ng guwapong aktor. Ayon sa mga mahadera, nagulat si Papa Dingdong nang dumating sa kanyang tinutuluyan dahil naroon na ang crew at staff ng isang talk show at hindi nito nagustuhan ang pangingialam daw ng mga ito sa kanyang bahay. Iniba kasi ng mga utaw ang ayos ng bahay without his permission kaya du’n daw nagalit at nagtaas ng boses ang lolo n’yo. Hindi naman niya tahasang inamin na nagmura nga siya. Basta sinabi lang niya na nabigla siya kaya napataas ang kanyang boses. Hmmm… kahit sino naman siguro ay magagalit kapag pinakialaman ang mga gamit mo sa bahay, ‘di ba? Pero sana eh, dinaan na lang sa maayos na paliwanagan. Marami tuloy ang nagsasabing nahawahan na si Papa Dong ng kamandag ni Marian Rivera pagdating sa ka-negahan, ha-ha! Gan’un talaga? Chos!’

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka

ADVERTISING

Parazzi News Service

ADVERTISING