“Kung alam n’yong may boyfriend ang tao, ‘wag mo nang bisitahin sa condo n’ya..” – Vicky Belo

INANTABAYANAN NG MGA dumalo sa re-launch ng Flawless ang naiipit ngayon sa kontrobersyal na sex video scandals na si Katrina Halili. Nauna kasing umugong na dadalo roon si Katrina, kahit pa ito eh, affiliate ng Belo Medical Group ni Dra. Vicki Belo. Pero agad ding may nagsabing inabisuhan ng kanyang abugado si Katrina na hindi na nito kailangan pang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Kaya nang si Dra. Vicki na ang dumalo sa nasabing pagtitipon at tanungin tungkol sa presence sana ni Katrina doon, sinabi naman nito na siya eh, isa ring partner sa nasabing business like Katrina.

At ilan sa mga salitang maku-quote namin sa interbyu namin with her ay  “I’ll just continue doing what I have to do. I’ve got nothing to hide. I’ve done nothing wrong. You know naman that I’ve been through so much already but this is the most painful one so far. I’m trying to see the silver lining in all these. It’s very painful for everybody and I’m just trying to learn the lessons from all that’s happened. It should help our lawmakers to pass a law on this.

“Kung alam n’yong may boyfriend ang tao, ‘wag mo nang bisitahin sa condo n’ya at maki-pag-sex.

“Partner lang ako rito. If my partners think makakatulong si Katrina para sa Flawless, why not? The business is not affected, thank God. We are the victims here, we’re not the bad guys. The bad guys are the ones who distributed the videos. We will find out who they are and we will run after them!”

Samantala, suportado si Dra. Vicki ng mga mahal niya sa buhay, gaya ng mga anak na sina Cristalle at Direk Quark Henares – pati na ang dati niyang mister na si Atom Henares.

Kung sakali naman daw na may maglabas nga ng sinasabing video ng kanilang ina at ni Hayden eh, naihanda na raw nila ang mga sarili sa bagay na ito. Isang bagay ang malinaw, hindi ‘yun magiging dahilan para nila talikuran at iwan ang kanilang mahal na ina.

PABANGO NAMAN ANG business na pinasok ng kapatid ng broadcaster na si Kaye Dacer na si Absy.

Nao-overwhelm nga lang ang mga tao sa naglabas ngayon ng Fragrances of the Stars dahil maya’t maya na lang ‘ata itong may inilu-launch na bagong endorser.

Nauna na ang tropa nina Kaye, Maui Taylor, Aubrey Miles, Ara Mina at Snooky Serna. At para sa bagong batch ng endorsers ni Absy, kinuha nito ang serbisyo nina Nadine Samonte, Andrew Schimmer, Michael Cruz at Cristina Decena.

Naku, may masama ang ugali na nag-ask sa amin kung sinu-sino raw ba itong mga bagong pinagkukuha ni Absy, na kung nu’ng simula eh, puro may name ang mga nagpu-promote ng kanyang mga pabango, ngayon daw eh, kakuwestiyon-kuwestiyon kung malaki ang maitutulong para sa pag-angat ng kanyang business.

Ang bad, ano? Pero malay ba naman natin. Si Michael naman eh, palagiang napapanood sa The Singing Bee at si Nadine naman eh, malamang na makahanay na sa mga leading ladies ng mga programang nakatakdang ilunsad sa bakuran ng mga Kapuso. Si Andrew eh, sa mga indie films namamayagpag. At si Ms. Cristina,  si Kuya Ipe (Phillip Salvador) pa rin ang naiisip namin when we see her!

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleRegine Tolentino has a new boyfriend?
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #69

No posts to display