KUMPIRMADO NA: Alden Richards at Bea Alonzo, magtatambal sa ‘A Moment to Remember’!

ADVERTISING

IT’S OFFICIAL: Magsasama na sa big screen sina Alden Richards at Bea Alonzo!

Unang nagsama sa isang shampoo endorsement shoot ang Kapuso actor at Kapamilya actress. Doon pa lang ay nakitaan na ng chemistry ang tambalan nila kaya naman marami ang nagwish na sana ay mabigyan din ng pagkakataon ang dalawa na magkatrabaho sa isang movie project.

ADVERTISING
KUMPIRMADO NA: Alden Richards at Bea Alonzo, magtatambal sa 'A Moment to Remember'!
Alden Richards and Bea Alonzo

Tutal, dumarami na rin noong 2019 ang movie projects na pinagbibidahan ng isang Kapuso actor at Kapamilya actress or vice versa. Isang good example d’yan ang ‘Hello, Love’ Goodbye’ nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Not to forget Bea Alonzo’s movie with Dingdong Dantes years ago na ‘She’s the One’.

Ang sought-after Pinoy movie film of 2021 ay isang partnership sa pagitan ng Viva Films at GMA Pictures, na mukhang magiging aktibo na mula sa pag-produce ng pelikula. Mas napadali ba ang pagtanggap ni Bea sa proyekto dahil opisyal na kumalas na ito sa Star Magic?

Ang ‘Miracle in Cell No. 7’ Philippine adaptation director na si Nuel Naval ang natokang hahawak ng pelikula.

ADVERTISING

Dahil maraming na-acquire na Philippine adaptation ng Korean films ang Viva Films noong nakaraang taon, ang ‘A Moment to Remember‘ kaya ay remake ng iconic 2004 tearjerker film? Ang original film ay pinagbidahan ng ‘Crash Landing on You’ star na si Son Ye-jin at Korean actor na si Jung Woo-sung.

Saktong-sakto rin ito dahil malawak ang acting capabilities ng dalawang artista. Kayang-kaya nina Alden at Bea na magpaiyak, magpatawa at magpakilig. Maganda rin umiyak-iyak habang may kirot ng kilig sa pinagdaraanan natin ngayon, huh!

Congratulations to Alden and Bea! We’re all looking forward to this bonggang project sa 2021!

ADVERTISING