Kuh Ledesma, nag-iingat sa pagtanggap ng role

ADVERTISING

Kuh Ledesma, nag-iingat sa pagtanggap ng role

Kuh-Ledesma WALA RAW problema kay Kuh Ledesma ang pagtanggap niya ng kontrabida role sa pagiging Christian niya, as long na hindi lalabas na sobrang sama raw ang role.

“Request ko nga sa GMA 7, huwag akong bigyan ng sobrang kontrabida role. Baka hindi na pakinggan ang mga awitin ko kapag napanood nila na sobrang sama ko sa isang teleserye,” nakangiting pahayag ni Ms. Kuh nang makausap namin sa grand presscon ng My Destiny.

Wala rin problema kay Kuh kung other woman ang role niya at mataray na wife. Basta huwag lang lumabas na sobrang sama. Gusto niyang lumabas na mahirap. ‘Yung talagang yagit ang role. Baka raw kasi nagdadalawang-isip ang production staff na ayaw niya ng ganoon role.

“Ay, naku! Gusto ko talagang gumanap ng isang yagit talaga. Hindi naman ako mayaman. Pinagdaanan ko rin ang maging isang mahirap. Nagpursige lang ako sa buhay kaya nakamtam ko ang ginhawa,” say ni Kuh.

ADVERTISING

Ask naman her lovelife. Posible ba siyang magmahal ng younger man?

“Mas bata sa akin, like twenty years old guy. Naku! Tila ayoko namang magkaroon ng partner na sobrang bata. Pero kung mas matalino pa siya sa akin, why not?” say pa ni Kuh na lalabas na mother ni Ruru Madrid sa serye at wife ng nagbabalik na si Dennis Roldan.

 

KINAILANGANG MAGING mahigpit ang production staff ng Bubble Gang sa buong cast ng gag show na napapanood every Friday sa GMA 7. At para matupad ito, nagdesisyon ang show na magpapataw sila ng penalty na P5,000 sa bawat male-late na artista. Kapag ang call time ay 7:00 am, dapat ay mag-report na sila sa Studio 6. Ang male-late ay magmumulta.

Tagumpay ang bagong regulasyon dahil lahat ng cast sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Rufa Mae Quinto, Sam Pinto, Jackie Rice, Gwen Zamora, Max Collin, atbp ay dumarating on time.

Dati-rati raw ay gumigimik ang mga nagseseksihang cast ng gag show kapag Sunday night. Ngayon ay Friday at Saturday na lang daw sila rumarampa kasama ng kani-kanilang barkada para hindi ma-late at magmulta ng P5,000.

Samantalang may mga bagong character daw na gagampanan ang Bubble Gang stars. At sa segment ng Dating Doon nina Brod Pete, Direk Caesar Cosme at Brod Willie ay may bago rin dahil sa halip na mga Pinoy ang magtatanong ay dayuhan ito tulad ng Spanish, American, German, Italian, Chinese, at Japanese.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING