Kristofferr Martin, trending sa social media ang hubad na litrato

Kristofferr Martin, trending sa social media ang hubad na litrato

Kristofer-Martin

 

LAGING TRENDING sa social media ang magandang hubog ng katawan ng award-winning actor na si Kristoffer Martin na kitang-kita sa kanyang recent picture na kumakalat sa social media at napapanood sa top-rating soap ng GMA 7 sa Afternoon Prime na Healing Hearts.

Isa nga sa inaabangan sa Healing Hearts ang pagta-topless ni Kristoffer, bukod sa husay sa pag-arte ng mga atistang regular na napapanood dito at sa paganda nang pagandang istorya nito.
At ang sikreto raw ni Kristoffer ay ang palagian nitong pagpunta sa gym para mapanatili nitong maganda ang kanyang pangangatawan at para na rin sa kanyang health.

Wala pa nga rin itong desisyon kung sasabak na ngayong taon sa Cosmopolitan Bachelor Bash, kung saan isa siya sa inaabangan ng mga kababaihan at kabaklaan na makikitang rarampa nang topless.

John’s Point
by John Fontanilla