Kristoffer Martin, wish manalo ng best actor award

ADVERTISING

Kristoffer Martin, wish manalo ng best actor award

Kristoffer-MartinISA RAW sa pangarap na gustong matupad ng mahusay na Tween Actor na si Kristoffer Martin ang manalo ng best actor award lalo na’t nanalo na siya ng best supporting actor trophy para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Oros.

Tsika nga ni Kristoffer, “Siyempre dream naman ng lahat ng actors na magkaroon ng best actor award. Kumbaga, isa ‘yun sa ultimate award na puwedeng makuha ng isang artista.

“At sinasabi nga nila na kapag nakuha mo na ‘yun, made ka na. Puwede ka nang tawaging actor, kasi may tropeyo ka ng pagka-best actor.

“Hopefully sana mabigyan din ako, kasi meron na akong best supporting actor para sa pelikulang Oros. Kaya naman Best Actor naman ang target ko kung mabibigyan ng chance at papalarin.
“I know mahirap dahil sa dami ng mahuhusay na actor sa Pilipinas. Pero malay natin, suwertehin at makatsamba ako ng best actor thropy ‘pag tagal-tagal.

ADVERTISING

“Malay mo mabigyan ako ng isang project tapos maganda ‘yung role at bumagay talaga sa akin at maging maganda ‘yung performance ko, baka roon ako manalo,” nangingiting pahayag ni Kristoffer.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING