Kristoffer Martin, walang panahon sa pag-ibig

Kristoffer Martin, walang panahon sa pag-ibig

Kristoffer-MartinZERO PA rin daw ang lovelife ni Kristoffer Martin at choice niya raw ito, dahil mas gusto nitong magbigay ng oras sa kanyang pag-aaral at pag-aartista, at tsaka na ang lovelife.
“Medyo matagal-tagal na rin na zero ‘yung lovelife ko. Pero okey lang naman at nae-enjoy ko naman ang single. Choice ko na rin na ‘wag munang mag-girlfriend para mas makapag-focus ako sa pag-aaral at pag-aartista.
“Alam ko naman na balang araw, darating din ‘yung babaeng para sa akin na makakasama ko sa pagtanda. Pero sa ngayon, hindi ko pa siya natatagpuan at ayaw ko namang hanapin. Mas magandang isang araw, dumating na lang siya.
“Sa ngayon, busy muna ako sa trabaho at pag-aaral, tsaka na ang lovelife,” pagtatapos ni Kristoffer.

Chester-Chua-Angelica-FelicianoThe Memory, patok sa mga teenager

MAGANDA ANG feedback sa launching project ng dalawa sa pinakasikat sa Internet ngayon na sina Chester Chua at Angelica Feleciano, na parehong nasa pangangalaga ng SMAC TV Productions at Lance Productions, na The Memory na napanonood sa Celebrity Channel sa YouTube.
Kaya naman sobrang saya ang pamunuan ng SMAC TV sa magandang pagtanggap ng mga manonood ng The Memory at nangangako sila na mas pagagandahin pa nila ang mga sususod na episode nito.
Bukod sa The Memory, makasasama rin sina Chester at Angelica sa March 28, 2015 para sa Earth Hour na magaganap sa Luneta Grounds, kung saan makakasama nito ang co-artists nila sa SMAC TV.

John’s Point
by John Fontanilla