Kristoffer Martin, walang inggit kina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix

Kristoffer Martin, walang inggit kina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix

Kristoffer-MartinWALA RAW inggit na nararamdaman ang mahusay na actor na si Kristoffer Martin kung mas nabibigyan ng importansiya ng GMA 7 sina Ruru Madrid at Miguel Tan Felix.

Iniisip na lang daw ng Healing Hearts lead actor na masuwerte lang ngayon sina Ruru at Miguel dahil nabibigyan sila ng sunud-sunod na proyekto, katulad na rin nu’ng nagsisimula siya na kaliwa’t kanan ang projects niya sa Kapuso Network.
Happy nga raw ito dahil ang kanilang balik-tambalan ni Joyce Ching sa Healing Hearts ay tinututukan ng mga manonood at maganda ang ratings. Sana nga raw ay magpatuloy ang mataas nitong ratings para mas tumagal pa ang kanilang soap.

John’s Point
by John Fontanilla