Kristoffer Martin, tutok sa pag-aaral habang wala pang teleserye

Kristoffer Martin, tutok sa pag-aaral habang wala pang teleserye

Kristoffer-Martin

WHILE WAITING for his next  project sa Kapuso Network, abala muna sa kanyang pag-aaral ang Kapuso prime actor na si Kristoffer Martin na nag-aaral sa San Beda College Manila.
Pero ‘wag daw mag-alala ang mga masugid na tagahanga ng binata, dahil kahit nga naka-focus ito sa kanyang pag-aaral, ‘di naman daw ito nawawalan ng guesting sa Kapuso Network, like sa Bulaga Pamore ng Eat… Bulaga! at sa Sunday Pinasaya.
May ihinahanda na naman daw ang Kapuso Network na bagong soap para kay Kristofferk, kaya hintay-hintay lang daw ang mga avid fans nito.

Justin-LeeJustine Lee, sobrang busy sa mga projects

VERY TALENTED ang isa sa pambatong artist ng SMAC Networks na si Justin Lee na tubong Bicol at siyang host ng Gawad Kabataan Survivor 101 na napanonood sa YouTube.
Bukod sa pagiging host ng Gawad Kabataan Survivor 101 at pagiging ambassador nito, siya rin ang lead actor ng webserye na “The Last Chance” kasama si Mary Joy Apostol na siya ring kumanta ng theme song ng nasabing webserye.
Naging part din si Justin ng YouTube variety show na Go Lucky Bee Happy kasama ang ibang mga SMAC artists na sina Chester Chua, Angelica Feliciano, Cariza Llena, Yna Magenda, Mateo San Juan, at Mary Joy Apostol.

John’s Point
by John Fontanilla