Kristoffer Martin, pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Kristoffer Martin, pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Kristoffer-MartinNAKABIBILIB ANG mga kabataang napagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista, at isa rito ang award-winning actor na si Kristoffer Martin na bida sa newest Kapuso teleserye na Healing Hearts, kabituin sina Mickey Ferriols, Angelika Dela Cruz, Joyce Ching, Krystal Reyes, atbp.
At kahit nga dalawa ang pinagkakaabalahan nitong shows ngayon, ang Sunday All Stars at Healing Hearts, hindi pa rin nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa San Beda College sa Manila.
Gusto raw kasi ni Kristoffer na makatapos ng pag-aaral kaya naman kahit puyatan sa taping ay ginagawa pa rin nitong makapasok sa eskuwelahan nang sa ganu’n daw ay hindi siya bumagsak at matapos niya ang kanyang kursong kinukuha.

 

Jaime-AcostaBirthday celebration ng Psalmstre owner, dinaluhan ng mga bituin

NAGING SOBRANG espesyal at masaya ang pagseselebra ng kaarawan ng CEO/President ng Psalmstre makers of New Placenta, Olive C, atbp. na si Sir Jaime Acosta na ginanap last January 30, 2015 sa Palladium Club House, Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ilan sa dumalo ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya. Present din ang kanyang mga endorsers mula kina New Placenta image model Stephany Stefanowitz, Placenta for Men image model June Macasaet, at ang mga Olive C celebrity image models and ambassadors na sina Chelsea Starling, Hiro Magalona Peralta, Ashley Ortega, at Ryan Paul Artienda.
Dumalo rin at nakisaya ang beauty queen na si Jean Harn, John Nite, Shalala, Lhar Santiago, Goodvibes, atbp. Habang wish naman ni Sir Jim ang good health sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay, at maunlad na negosyo ngayong taon at sa mga susunod pang taon.

John’s Point
by John Fontanilla