Kristoffer Martin, Pinababayaan ng Siyete?!

WHAT’S NEXT?! Ito ang katanungan ng libo-libong tagahanga ng future matinee idol na si Kristoffer Martin, dahil ilang buwan na ang nakalilipas nang matapos sa ere ang Ikaw Lamang ang Mamahalin ay wala pa ring malinaw na proyektong nakalaan para sa young actor.

Marami tuloy ang nanghihinayang sa galing umarte ni Kristoffer na mukhang napo-frozen delight ng GMA-7. Tsika nga ng mga tagahanga ng Olongapo Boy na mukhang mali ang desisyon nitong mag-stay sa GMA-7 after mag-hit ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo sa Endless Love, Autumn In My Heart, sana raw ay sumama na rin itong bumalik ng ABS-CBN ng pinababalik silang dalawa.

Sana raw ay meron na siyang solo project kasama si Kathryn na sobra-sobra ang kasikatang tinatamasa ngayon sa Kapamilya Network, kung saan isa ito sa itinuturing na Primetime Princess ng nasabing big TV network.

Kung bumalik nga raw si Kristoffer sa Dos ay baka ito ang Primetime Prince ng ABS-CBN, kung saan magpapatuloy ang loveteam nila ni Kathryn. At kahit nga magkaiba na ang kanilang TV network na pinaglilingkuran ay marami pa ring mga tagahanga ng mga ito ang umaasang mapapanood muli ang dalawa na magkasama kahit sa pelikula.

NALOKA KAMI sa kuwento ng sikat na sikat na gay group na Wonder Gays na ‘di lang sa bansa kinikilala ang galing sa pagpapatawa at pagkanta, dahil maging sa Australia ay patok na patok ang mga ito.

Binisto kasi ng buong grupo na naglaplapan ang isang kasama nila na si Blue sa controversial na si Mocha na hindi naman itinanggi ng pinakamatangkad na miyembro ng WG.

Tsika nga ni Blue na kahit bading siya ay tinamaan siya nang husto kay Mocha, dahil ang galing daw lumaplap nito. Maihahalintulad nga raw ni Blue ang tamis ng mga labi ni Mocha sa isang strawberry. Kaya naman daw if ever na papayag si Mocha na maka-one night stand siya ay hindi siya magdadalawang-isip at pipilitin niyang magpakalalaki at tatalikuran pansamantala ang pagiging bading para matikman ang bibingka ng seksing mang-aawit.

Gusto nga raw imbitahan ni Blue si Mocha sa kanilang 2nd concert sa Zirkoh Tomas Morato sa May 10 na isang birthday concert for a cause ng kanilang manager at aming kaibigan na si Lito De Guzman for the benefit of My Father’s House.

Magiging espesyal na panauhin ng Wonder Gays sina Patrick Garcia, Glaiza De Castro, Rocco Nacino, Blanktape, Raia Quiroz, Kiko Pacquiao, Kris Lawrence, Rowell Quizon, Steff Prescott, Valerie Concepcion, Denise Laurel, Troy Montero atbp.

MUKHANG MAGTUTULUY-TULOY na nga sa pagnenegosyo ang ABS-CBN star at miyembro ng Gigger Boys na si Benjamin De Guzman, dahil mula sa apat na franchise ng Master Siomai Co. ay meron itong bagong tayong negosyo, ang Pao Pao Xiao Chi (Milk Teas, Fruit Teas atbp.) na matatagpuan sa Sta Lucia Mall, Ground Level, Bldg. 2 (near BPI).

Katuwang ni Benjamin sa pagpapalakad ng nasabing negosyo ang kanyang ever supportive na parents na si Mr. Benjamin De Guzman Sr. at Mrs. Imelda De Guzman at ang nakakabata nitong kapatid na si Miguel.

Pinasok daw ni Benjamin ang pagnenegosyo para raw sa kanyang future at para na rin makatulong sa kanyang pamilya. Dito raw nilalagay ng young actor ang kanyang kinikita sa pag-aartista para raw nakikita niya ang katas ng kanyang pinaghirapan sa showbiz.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleElla Cruz, inspirasyon sa pag-aartista sina Julia Montes at Kathryn Bernardo
Next articleAlden Richards, gustong tularan ang idolong si John Lloyd Cruz

No posts to display