Kristoffer Martin, nominado sa Golden Screen TV Awards for Oustanding Performance by an Actor

Kristoffer Martin, nominado sa Golden Screen TV Awards for Oustanding Performance by an Actor

Kristoffer-MartinHINDI RAW maipaliwanag ng mahusay na GMA Teen Actor na si Kristoffer Martin ang sobra-sobra niyang kasiyahan sa another nomination na nakuha nito sa kanyang mahusay na pagganap sa Magpakailanman episode na “Siga Noon, Beki Ngayon”.
After nga nitong ma-nominate noong nakaraang taon sa PMPC Star Awards for Television for Best Single Performance by an Actor sa nasabi ring Magpakilanman episode, kung saan ginampanan niya ang bading na role, muli siyang nakasungkit ng nominasyon sa ENPRESS Golden Screen Awards for Outstanding Performance By An Actor.
Kaya naman daw mas nagiging inspirado si Kristoffer na mas paghusayan pa ang kanyang trabaho sa mga proyektong ibinibigay sa kanya, na ang latest ay ang upcoming GMA drama soap na Healing Hearts.

John’s Point
by John Fontanilla