Kristoffer Martin, natatawa lang sa pagkaka-link kay Bea Binene

Kristoffer Martin, natatawa lang sa pagkaka-link kay Bea Binene

Kristoffer-MartinNATATAWA NA lang ang young actor na si Kristoffer Martin sa pagkaka-link nito sa kaibigang si Bea Binene.
Tsika nga ni Kristoffer, “Nakakatawa naman ‘yang tsismis na ‘yan. Ano ba naman ‘yan? Hahaha!
“Kaibigan ko lang si Bea. May mga bagay-bagay lang na pareho naming gusto, like ‘yung pag-akyat-akyat ng bundok. Tsaka hindi lang naman kami ni Bea ang magkasama, marami kami, kasama namin ‘yung mga kaibigan namin.
“Never pa kaming lumabas na kami lang, lagi naming kasama ‘yung mga kaibigan namin. Hindi naman porke’t nakakasama mo ang isang tao, ibig sabihin kayo na,” ani Kristoffer.

John’s Point
by John Fontanilla