Kristoffer Martin, masaya sa balik-tambalan nila ni Joyce Ching

Kristoffer Martin, masaya sa balik-tambalan nila ni Joyce Ching

1 Joyce-Ching-Kristoffer-MartinMASAYA SI Kristoffer Martin sa pagbabalik-tambalan nila ng dati niyang girlfriend na si Joyce Ching. Ito ay sa bagong serye ng GMA na Healing Hearts.

“Bago pa kami magsimulang mag-taping, nakatutuwa na ang dami nang nag-aabang,” sabi nga ng Kapuso young actor.

“No’n pa lang na nag-post kami ng picture namin after ng story conference, sobrang ang dami nang magagandang feedbacks. Na-miss daw nila ang KrisJoy (Kristoffer-Joyce loveteam). Tapos sa Instagram account namin, ‘yong tungkol sa bagong soap naming ito ang pinakamaraming likes. Gano’n din sa Facebook account ng GMA, ang dami nitong likes. Masaya kami na tanggap pa rin nila ang KrisJoy kahit matagal na natengga e, nandiyan pa rin ang full support nila.”

No’ng nag-start na raw ang kanilang taping, hindi naman daw sila nailang sa isa’t isa ni Joyce. Matapos daw silang mag-break noon ay dumating ang point na naging okey sila as friends.

“Bago itong Healing Hearts, nagkakausap naman kami kung minsan. Nagkukumustahan din kami sa text. Actually we’re both excited na gawin ‘yong soap. Kasi nga it’s for the fans na nag-aantay. At iyon ang isa na rin sa parang pambawi namin sa kanila sa pag-aantay. At sa patuloy na pagsuporta nila. Iyon ang nagda-drive sa amin na makagawa ng project na ikasasaya ng fans. Para sa kanila itong pagbabalik-tambalan namin.”

May non-showbiz girlfriend ngayon si Kristoffer. Pero hindi naman daw ito makakaapekto sa kanila ni Joce bilang magka-loveteam.

“Si Joyce kasi, sobrang professional din niya kasing magtrabaho, e. Do’n ako naman bilib sa kanya na sobrang… in terms of work, in terms of working relationship ay saludo ako sa kanya. At saka we’re good friends. Actually we’re close friends naman nga sa ngayon.”

Hindi ba nagtatanong kahit pabiro si Joyce sa kanya hinggil sa non-showbiz na girlfriend niya?

“Siguro ‘yong mga gano’ng klaseng tanong, hindi niya itinatanong kasi nga… too personal. Siguro para iwas na rin na mailang kami sa isa’t isa. Si Joyce naman sobrang ano… kumbaga sa lahat ng taong nakilala ko, siya ‘yong pinaka-pure na tao talagang masasabi kong clean intentions talaga lahat.”

‘Yong girlfriend niya, ano naman ang sinasabi sa muling pakikipagpareha niya kay Joyce?

“Good for us daw. Kasi nga, na-witness din niya ‘yong loveteam namin before. So, okey naman sa kanya. Work is work naman, e. Naiintindihan naman niya ‘yong trabaho and she’s pourd naman.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan