Kristoffer Martin, manalo o matalo, inspirasyon ang nominasyon sa Star Awards for TV

ADVERTISING

Kristoffer Martin, manalo o matalo, inspirasyon ang nominasyon sa Star Awards for TV

Kristoffer Martin
Kristoffer Martin

Kahit na taun-taong nakakukuha ng nominasyon sa iba’t ibang award-giving bodies ang Kapuso Prime Actor na si Kristoffer Martin, hindi pa rin daw nito maitago ang kaba at excitement sa tuwing masasabihang nominado siya.
Iba raw kasi ang pakiramdam kapag napapansin ang kanyang pinagtrabahuhan ng mga bumubuo ng award-giving bodies like PMPC Star Awards for TV, kung saan nominado siya sa kategoryang Best Single Performance By An Actor para sa mahusay niyang performance sa “Magpakailanman” episode na ‘Mag-ama’.
Ang bawat nominasyon daw kasi na nakukuha niya ang nagsisilbing inspirasyon niya para mas maging mahusay sa tuwing mabibigyan siya ng trabaho.
Kaya naman daw win or lose, okey lang kay Kristoffer, dahil ang mahalaga raw rito ay ang mapansin ang kanyang trabaho at mapabilang sa mga mahuhusay na nominado.

ADVERTISING

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING