Kristoffer Martin at Joyce Ching, posibleng magkabalikan

Kristoffer Martin at Joyce Ching, posibleng magkabalikan

Joyce-Ching-Kristoffer-MartinNGAYONG MULING nagtambal ang mahusay na teen actor na si Kristoffer Martin at ang orihinal na ka-loveteam at ex-girlfriend na si Joyce Ching, nagbalik-tanaw ang binata na noong mga time na sila pa ni Joyce ay mga time na nagseryoso siya sa isang relasyon.

Kuwento nga ni Kristoffer, “Well, oo nga. Kumbaga nu’ng time namin, first time kong, as in magseryoso, as in magbago ng legit for a girl para ma-preserve ‘yung relationship. She made me a better person. Longest relationship ko siya, so far.”

Pero hindi raw nangangahulugang ngayong magkasama sila ni Joyce ay sila na. Ine-enjoy muna nila ang kanilang magandang samahan sa likod at harap ng kamera sa ngayon.

Dagdag pa ni Kristoffer, “We’re open to possibilities. Kung ngayon, hindi namin oras, malay mo after five years.”

John’s Point
by John Fontanilla