Kristoffer Martin, itinangging nagkabalikan sila ni Joyce Ching

ADVERTISING

Kristoffer Martin, itinangging nagkabalikan sila ni Joyce Ching

Joyce-Ching-Kristoffer-MartinMARIING PINABULAAAN ni Kristoffer Martin na nagkabalikan sila ng kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching. Ayon nga kay Kristoffer, zero pa rin daw ang kanyang lovelife sa ngayon at busy sa kanyang pag-aaral at sa kanyang career.

ADVERTISING

Hindi man daw sila nagkabalikan ni Joyce, nananatili pa rin ang kanilang friendship at nagagawa pa nilang magkapareha at magkatrabaho sa mga proyekto ng GMA 7. Maganda naman daw kasi ang naging ending ng kanilang relasyon kaya naman walang problema sa kanila ang magsama sa trabaho.

If ever nga raw na may matatagpuan na si Joyce ng bago niyang iibigin, okey lang kay Kristoffer dahil karapatan naman daw ni Joyce ang magkaroon ng panibagong pag-ibig at ganu’n din naman siya.

Dagdag pa ni Kristoffer na four months na pa lang wala siyang teleserye after ng kanyang soap na Paraiso Koy Ikaw na pinagtambalan nila ni Kim Rodriguez. Pero ayon sa mabait na actor, mabuti na nga lang daw at may Sunday All Stars pa siya, or else as in zero na talaga siya at walang trabaho.

ADVERTISING

Wish nga nito na sana raw bago matapos ang taon, magkaroon siya ng panibagong soap opera nang sa ganu’n ay magkaroon ulit siya ng trabaho. Nami-mis na nga raw nito ang magpuyat sa taping na kanyang nakasanayan na.

At habang naghihintay nga raw ng kanyang next project, busy ito sa pag-aaral sa kolehiyo sa San Beda College.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING