Kristoffer Martin, inaabangan na ang pagta-topless sa serye

Kristoffer Martin, inaabangan na ang pagta-topless sa serye

Kristoffer-Martin-Joyce-ChingPALAGING INAABANGAN ang pagta-topless ni Kristoffer Martin sa Healing Hearts na napanonood sa Afternoon Primetime ng GMA 7.
Pumapalo nga sa taas ng rating ang pagta-topless ni Kristoffer sa said serye. Inaabangan din ng mga manonood ang mga sweet moments nila ng kanyang ka-loveteam na si Joyce Ching.
Marami na rin nga ang nag-aabang sa pagrampa nito sa Cosmopolitan Bachelor Bash 2015, lalo na’t habang tumatagal ay paganda nang paganda ang katawan nito.

 

Kris-AngelicaKris Angelica, tume-trending sa social media ang first single

 

“‘Yung ‘Sabi-Sabi’ po is a perfect song na nagde-describe sa kung paano po ako nag-start as a performer. Siyempre before, merong mga sabi-sabi na hindi raw ako makikilala as a singer, pero ‘yun po ang mga naging inspiration ko to do better.” Ito ang pahayag ng pinakabagong teen singing sensation at Viva talent na si Kris Angelica na naglabas ng kanyang first single entitled, “Sabi-Sabi” sa Spotify .

Last June 23 nga ay nag-trending ito sa social media sa hashtag #SabiSabi, #SabiSabiKrisAngelica na nag-second most talked about topic sa Philippines, at naway maging hit single din ng tinaguriang Rising Star.

Dagdag pa ni Kris Angelica, “Ang galing nga po nina Kuya Thyro and Ate Yumi (composers ) kasi saktong-sakto po ‘yung song para sa akin. Sobrang thankful po ako na nagawa ‘yung single na ito para sa ‘kin.”

Saludo raw si Kris Angelica sa husay nina Thyro at Yumi, ang genius songwriters mula sa mga hit songs na “Dati” ni Sam Concepcion, “Hanap-Hanap” ni James Reid, “Para-Paraan” ni Nadine Lustre, at Sarah Geronimo’s “Ikot-Ikot” at “Kilometro”.

John’s Point
by John Fontanilla