Kristoffer Martin, hiniwalayan ang non-showbiz girlfriend para sa career

Kristoffer Martin, hiniwalayan ang non-showbiz girlfriend para sa career

Kristoffer-MartinSA PAKIKIPAG-BREAK ni Kristoffer Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend, may mga nag-iisip na baka dahil ito sa naging karelasyon din niya dati na si Joyce Ching. Balik-tambalan kasi sila ngayon sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Healing Hearts.

Siguro kaya hindi rin sila tumagal ng naging girlfriend niya na non-showbiz, dahil marahil na-realize niyang hindi niya kayang may iba siyang priority higit sa kanyang showbiz career?

“Hindi naman siguro sa gano’n.” ani ng actor. “Well… kahit papano choice ko pa rin ang career ko, e. Choice ko rin ang studies. Pero mostly… career. Kasi ito ang bumubuhay sa akin, e.”

Hindi pa siya talaga puwedeng magseryoso na mag-commit sa isang relationship?

“Ako kasi ano, e… naging buhay ko ang relationship, e. Kumbaga, once na ma-commit ako, sagad, e. At saka ang sa akin kasi ngayon, siyempre natuto na ako from before, natuto akong ibalanse lahat ngayon.”

Ano ba ang naging cause ng break-up nila ng kanyang naging girlfriend na non-showbiz?

“Hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready.”

Si Joyce, aminadong nasaktan daw na ilang buwan lang matapos silang mag-break ay may bagong girlfriend na agad siya. Kasi tatlong taon silang naging mag-on tapos parang ang dali for him na maghanap ng kapalit?

“Hindi naman ilang buwan lang. Halos isang taon bago ako nagkaroon ng ng bagong girlfriend.”

E, si Joyce, hindi talaga nag-entertain ng manliligaw since no’ng nag-break sila?

“Wala naman kasi sa personality ni Joyce na patalun-talon sa relasyon, ‘di ba? Kilala natin si Joyce na God-driven siya. Isa rin ‘yon sa ikinabibilib ko kay Joyce.”

Wala ba siyang nakikitang anumang sign na baka sila nga ni Joyce ang destined to be?

“Kasi ang hirap ng sign-sign na ‘yan, e. Ilang beses na akong nadale ng sign-sign o ng destiny-destiny na ‘yan!” sabay ngiti ni Kristoffer. “Kumbaga… I make my own destiny na lang. Gano’n na lang ‘yon.

Ano ang naghu-hold sa kanya para i-entertain ‘yong thought na posible silang magkabalikan ni Joyce?

“Hindi pa rin kami ready. Iyon lang ‘yon.”

May nasabi si Joyce na since nasaktan ito sa nangyari sa kanila before, mahihirapan na raw siguro siya to win her back sakaling manligaw siya ulit.

“Sa relationship naman namin ni Joyce, pareho kaming nasaktan, e. And kumbaga, lalaki ka… siyempre ikaw ang unang gagawa ng step.”

Okey na ba siya ulit sa parents ni Joyce? Dati kasi ay napabalitang sumama ang loob ng mga ito sa kanya dahil nasaktan nga niya si Joyce.

“Hindi ako ang nanakit. Walang sakitan kasi ‘yong sa amin, mutual ‘yon.”

There was a time nga raw na sinasabi ng mga magulang umano ni Joyce na bawal siyang magpunta sa bahay ng mga ito?

“Ay, hindi totoo ‘yan!” mariing paglilinaw ng aktor.

“Very welcoming ‘yong parents niya. Sobrang very welcoming. And, ang hindi ko nga makalimutang statement ng daddy niya is… always welcome ka sa bahay. Kung tao kang haharap, tao ka naming haharapin. Iyon naman ang maganda.”

Madalas ulit silang nagkakasama ngayon ni Joyce sa taping ng pinagbibidahan nilang soap. Hindi malayo na ma-develop ulit sila lalo at nagkaroon na sila ng relasyon dati.

“Pero… siguro we’re searching for a deeper na panghahawakan. Para ma-continue ‘yong relationship. If ever, second time around na namin. Alam na namin dapat ‘yong do’s and don’t’s, e. Na… kailangan ‘yon na. Kung magkakabalikan kami, wala na ‘yong ayaw namin before.”

If ever na magkabalikan sila, ‘yong puwede na niyang sabihing Joyce is the one na talaga?

“Ayoko nang magsabi ng ganyan. Nakain din ako niyan!” tawa na naman ni Kristoffer.

Marami silang kissing scenes. Pero naging at ease naman daw sila nang kunan ito.

“Ang maganda kay Joyce, sobrang professional siya pagdating sa trabaho. At trabaho lang nga ‘yon.”

Bukod sa Healing Hearts, may iba pa ba siyang project ngayon?

“May gagawin akong isang indie movie. Tapos meron ding isang mainstream film. Pero confidential pa. Hindi pa puwedeng sabihin ang detalye. Lovestory ‘yong tema nito. Looking forward ako na maumpisahan na ang dalawang films na ito.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan