Kristoffer Martin, happy sa mataas na ratings ng kanyang soap

Kristoffer Martin, happy sa mataas na ratings ng kanyang soap

Kristoffer-MartinHAPPY ANG mahusay na Kapuso actor na si Kristoffer Martin dahil mataas ang rating ng kanilang pinagbibidahang soap ni Joyce Ching, ang Healing Hearts na napanonood sa Primetime sa Hapon ng GMA 7.
Mukhang marami talagang naka-miss sa tambalan nila ni Joyce, kaya naman sa kanilang muling pagtatambal ay marami talaga ang tumutok.
Bukod sa balik-tambalan ng dalawa, marami ang nagagagandahan sa itinatakbo ng istorya ng Healing Hearts at sa mahusay na performance ng mga artistang kasama rito like Angelika Dela Cruz, Mickey Ferriols, Krystal Reyes, atbp.
Eula-Caballero-Carl-Guevarra-Steven-SilvaEula Caballero, pag-aagawan nina Steven Silva at Carl Guevarra

PANIBAGONG ISTORYA na naman ng pag-ibig ang ibabahagi ng Kapatid Network sa kanilang Wattpad Presents: Maid For Korean Boys.

Magsasama sa unang pagkakataon ang isa sa TV5 Princess na si Eula Caballero at ang former Starstruck Grand Winner na si Steven Silva at ang hunk na si Carl Guevarra na magsisimula nang mapanood sa June 1, 2015 mula Lunes hanggang Biyernes, 9 pm.
Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Eula? Si Steven ba o si Carl? ‘Yan ang dapat abangan sa Wattpad Presents: Maid For Korean Boys. Kaya naman tutok na simula June 1.

John’s Point
by John Fontanilla