Kristoffer Martin, handang maghubad sa bagong proyekto

ADVERTISING

Kristoffer Martin, handang maghubad sa bagong proyekto

Kristoffer Martin
Kristoffer Martin

Willing daw na makipag-kissing scene sa kapwa lalaki kung hinihingi ng pagkakataon ang 2016 Star Awards For Television Best Single Performance by an Actor na si Kristoffer Martin kung hinihingi ng script.

Kaya naman daw sa kanilang bagong proyekto ni Joyce Ching, ang “Hahamakin Ang Lahat”, gagawin niyang lahat ang iuutos ng direktor na kahit paghubarin siya ay okey lang sa kanya. Hindi na nga naman sila mga bata at nasa tamang edad na sila ni Joyce para sa mga ganu’ng eksena.

Ready rin daw ito sa love scenes sa mga teleserye, pero hindi pa raw niya kaya sa movies na magpaka-daring nang husto. Siguro raw kapag nagkaedad pa siya nang konti ay makakaya na niya itong gawin.

 

ADVERTISING
Internet Heartthrobs
Internet Heartthrobs

First leg ng Internet Heartthrobs Mall Tour, tagumpay

 

Naging super mega successful ang katatapos na Internet Hearthrobs Mall Tour na ginanap sa Starmall Alabang last October 30 sa pakikipagtulungan ng New Placenta at Ysa Skin and Body Experts.

Pinuno ang Events Place ng Starmall Alabang ng tilian at palakpakan mula sa mga taong nanood sa performance ng mga Internet Heartthrobs na sina Ron Mclean, Jhomer Apresto, Jb Paguio, Jhustine Miguel, at Chesther Chua.

Habang naging espesyal na panauhin naman ang Zero Ground Member na si Egie; Generation 6 members na sina Mark at Moja; Miore Boy Band na kinabibilangan nina Klyden Melbourne (leader), Matt Laforteza, Danz Cubilian, at Bryan Cruz; New Generation members Fred Lorinz Bacay; Jasmine Bacosa, Jesalyn Rigel Juntilla, John Daniel Manuzon, Kennelyn Chan, at Misharl Cyrus Mesa; Sweet Angels members Alexandria Rayne Gelbolingo, Demielle Morales, Darlene Mae Borja, Dannah Mae Borja, at Samantha Rose Vazuela; at Kids On The Block members Abigael Mesina, Queen Andre Padilla, Nicolo Bryle Sion, Li’l Jester San Pedro, at Aira Miles Seno. Hosted by DZBB 594 Walang Siyesta anchor Janna Chuchu.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING