Kristoffer Martin, habang tumatagal, mas nahahasa ang husay sa pag-arte

ADVERTISING

Kristoffer Martin, habang tumatagal, mas nahahasa ang husay sa pag-arte

Kristoffer-MartinMARAMING HUMANGA sa husay sa pag-arte ng Kapuso award-winning actor na si Kristoffer Martin sa katatapos na episode ng Karelasyon, kung saan nakipagtagisan siya ng galing sa pagganap with Louise delos Reyes at Ms. Jaclyn Jose.
Kaya naman daw muling pahahangain ni Kristoffer ang mga manonood sa kanilang balik-tambalang teleserye ni Joyce Ching sa GMA 7 via Healing Hearts na magsisimula nang mapanood sa May 11, 2015, kung saan grabeng aktingan daw ang ipamamalas nito at ng iba pang casts ng serye.
John-Carlo John-Ray Joshua-MarcIlan sa mga candidates ng Mr. and Ms. Olive C 2015, pangarap ang maging artista

ADVERTISING

HALOS KARAMIHAN sa mga kandidato ng 2015 Mr. and Ms. Olive C ay pangarap ang maging artista katulad ng mga past winners at finalists nito na sina Hiro Magalona Peralta, Jon Lucas, Joshua Joffe, at Ash Ortega.
Ilan nga sa candidates na aming nakausap na kaya raw sila sumali ng Mr. and Ms. Olive C ay dahil baka ito raw ang makapagbukas sa kanila ng oportunidad na maging artista katulad ng ilang winners nito.
Ilan dito ay sina Justin Kim ng Our Lady of Peace Antipolo, John Ray Valid ng DLSU-Dasmariñas, Cavite, John Carlo Alcantara ng Bongabon National Highschool sa Nueva Ecija, Joshua Marc ng Calamba, Laguna, at Karl Angelo Aquino ng  Carlos P. Garcia High School sa Manila.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING