Kristoffer Martin, gumagaya kay Aljur Abrenica?

ADVERTISING

Kristoffer Martin, gumagaya kay Aljur Abrenica?

1 Kristoffer-MartinNAKARATING NA sa management ng GMA 7 ang tila pagtatampo raw ni Kristoffer Martin dahil sa kawalan ng project sa sariling home studio. Balitang nakarating sa amin na tila gusto na rin daw nitong magpa-release ng kontrata sa Kapuso Network para makalipat ng ibang TV network.

Balita pa na tila nagiging overacting na raw sa pag-arte si Kristoffer kaya hindi ito nabibigyan pa ng panibagong project.

Anyway, we heard na tila inaayos na raw ng mga taong nangangalaga sa career nito ang susunod na project sa GMA.

Dapat din sigurong mag-isip nang mabuti ni Kristoffer (if ever na totoong gusto na rin itong magpag-release ng contract) na hindi ganoon kadali ang hangarin na basta na lang magpa-release ng kontrata sa network na nagbigay sa iyo ng pagkakataong maging isang artista.

ADVERTISING

Baka ending niya ay matulad kay Aljur na wala nang project na ibigay at bawal na tumanggap ng anumang show or project hangga’t ‘di natatapos ang demandahan sa korte.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING