Kristoffer Martin, choice ang maging single

ADVERTISING

Kristoffer Martin, choice ang maging single

Kristoffer-MartinCHOICE DAW ni Kristoffer Martin ang maging single sa ngayon dahil mas gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral at pag-aartista. Kaya naman walang napapabalita o nali-link na babae rito sa ngayon.

ADVERTISING

Tsika nga nito, “Masasabi ko na choice ko na ‘wag munang ma-in love at magka-girlfriend. Kasi mas gusto kong magbigay muna ng oras sa careet at pag-aaral ko muna ang asikasuhin.”

First year college si Kristoffer sa San Beda College.
Diin pa ni Kristoffer, “This time kasi mas gusto kong mag-focus muna sa trabaho at pag-aaral more than lovelife. Alam ko naman na darating din ang right girl para sa akin sa tamang panahon. ‘Yun ‘yung babaeng kusang darating at hindi ko hahanapin. Mahirap kasing maghanap. Katulad ng sabi ko kanina, habang hinahanap mo, mas lalong ‘di mo nakikita.
“Hindi ko nga namamalayan na medyo matagal-tagal na pala akong single. Pero okey lang sa akin kasi mas nagkakaroon ako ng oras sa mga bagay na gusto kong gawin. Iba kasi pag single ka, lahat ng gusto mo, puwede mong gawin, walang magbabawa o magkukuwestiyon,” pagtatapos ni Kristoffer.
Wattpad ng TV5 patok sa mga manonood

 

ADVERTISING

APAT NA magagandang istorya ang hatid ng TV5 sa kanilang top-rating show na Wattpad Presents ngayong buwan ng Pebrero at Marso.

At ito ay ang mga sumusunod: “Cupids Fools” na pinagbibidahan nina Ahron Villena at Sophie Albert na mapapanood sa Feb. 16 to 20. Susundan ng “Ex Ko Ang Idol N’yo” nina Marvelous Alejo at Chicsers na mapapanood sa Feb. 23 to 27.

At ang “Bitter Ella” na pagbibidahan nina Phytos Ramirez at Katrina “Suklay Diva” Velarde na mapapanood sa March 2 to 6; at ang “My Fiance Since Birth” nina Yassi Pressman at Vin Abrenica na mapapanood sa March 9 to 13.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING