Kristoffer Martin, bukas sa pagbabalikan nila ni Joyce Ching

Kristoffer Martin, bukas sa pagbabalikan nila ni Joyce Ching

Joyce-Ching-Kristoffer-MartinAYAW MAGSALITA nang tapos ng Kapuso award-winning actor na si Kristoffer Martin kung magkakabalikan pa ba sila ni Joyce Ching, lalo na’t muli silang pinagsama ng GMA sa Healing Hearts at pareho silang single at loveless.
Tsika nga ni Kristoffer, ayaw nitong isipin na dahil nagtambal silang muli ay kailangang magkabalikan sila. Pero hindi raw nito sinasarado ang posibilidad na baka muling manumbalik ang dati nilang pagtitinginan, lalo na’t lagi silang magkasama. Pero sa ngayon daw ay okey naman ang kanilang samahan at parehong nakatutok sa kanilang career.
Dagdag pa ni Kristoffer na halos lagpas isang taon siyang walang teleserye, kaya naman daw career muna ang kanyang priority sa ngayon at hindi ang pagkakaroon ng lovelife.

Jaime-AcostaJaime Acosta, happy sa line-up ng 2015 candidates ng Mr. and Ms. Olive C

EXCITING ANG magiging labanan ng mga kandidato at kandidata mula sa Luzon hangang sa Visayas at Mindanao ng 2015 Mr. and Ms. Olive C, ayon na rin sa CEO /President ng Psalmstre, makers ng Olive C, New Placenta, Gluthamine, atbp. na si Mr. Jaime Acosta.
Ayon nga kay Sir Jaime, “Magaganda, mga guwapo at matatalino ang mga candidates ng Mr. and Ms. Olive C ngayon, kaya pihadong mahihirapan ang mga magiging hurado.”
Sino kaya ang susunod sa yapak ng mga winners at naging finalist ng Mr. and Ms. Olive C na naging celebrities at beauty queens like Hiro Magalona Peralta, Ash Ortega, Jon Lucas, Joshua Joffe, Mutya Datul (Miss Supranational 2015), at Muriel Orais (Miss Earth Philippines-Water).

John’s Point
by John Fontanilla