Kristoffer Martin at Joyce Ching, walang balikang nagaganap

Kristoffer-Martin-Joyce-ChingMARRIING PINABULAANAN ng mahusay na young actor na si Kristoffer Martin na ang pagsasama nila sa hit serye ng GMA 7 na Healing Hearts ni Joyce Ching ang naging daan para magkamabutihan sila ng dalaga at mauwi sa pagkakabalikan.
Paglilinaw ni Kristoffer na wala raw balikang nagagaganap at magkaibigan lang daw sila ni Joyce . Kung nakikita man daw sila na sweet na nag-uusap sa kanilang taping, normal lang daw iyon sa kanilang dalawa bilang close friends.
Mas naging close nga raw sila nang maging magkaibigan na lang at nawala ‘yung ilangan at mas naging open sila sa isa’t isa. Hindi naman daw isinasarado ni Kristoffer ang posibilidad na magkabalikan sila. Pero sa ngayon daw, mas gusto nilang maging magkaibigan na lang muna at mag-focus sa kanilang trabaho.

Mikhail Hirea Of Headway Vera SalonOwner ng Headway Vera Salon na si Mikhail Hirang, image model din ng Ellen’s Skin Care

MULA SA pagiging may-ari at isa rin sa modelo ng tinaguriang celebrity salon Headway Vera Salon, na matatagpuan sa Tomas Morato, isa na ring endorser ng Ellen’s Skin Care si Sir Mikhail Hirang.
Kasama ni Sir Mikhail bilang endorser ng Ellen’s Skin Care, ang ilang sikat na modelo at celebrity sa Pilipinas like GMA teen actor Jak Roberto, Zuher Bautista, Jerwin Mark Sunglao, Dave Revillamer, Clifford Ponce, Jay Gonzaga, atbp.
Samantalang masayang-masaya naman daw ito dahil mas lumalaki pa ang pamilya ng Headway Vera Salon mula kina  Aiko Melendez, Shalala, Ogie Diaz, Ruby Rodriguez, MJ Marfori, Paolo Ballesteros, Casey Martinez of UPGRADE, Kevin Balot, June Macasaet, Candy Pangilinan , Albi Casiño, Jay Gonzaga, Mario Lumba, Justine Gabionza, Ai-Ai delas Alas, Ruffa Mae Quinto, Mark Manicad, Miguel Entenzo, Jayson Gainza, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleJake Cuenca & Arci Muñoz: Passionately Yours
Next articleAi-Ai delas Alas, ‘di totoong nakabili na ng property sa US

No posts to display